Published on

    Enero 1 -15, 2012

 

Katahimikan ang pangunahing maging handog sana sa ating lahat ng Bagong Taon. Isipin ang tunay na misyon ng Banal na Bata sa balat ng lupa.


Nabigo ang pangkat na nagtangkang palitan ang liderato sa PCCM. Muling nahalal na presidente si Lito Taruc. Nasaksihan ko ang mga pangyayari sa ginanap na eleksiyon noong ika-18 ng Disyembre. Pitong-araw bago mag-Pasko, maraming maiinit ang ulo. Ang mali ay pinipilit na gawing tama ng isang grupo. Napapa-iling na lang ako.


May good news din naman. Nakatutugon daw sa monthly financial responsibilities ang PCCM noong nakaraang taon. Medyo ayos daw ang kuwenta, hindi tulad noon na puro kuwento, malabo ang kuwenta. Ang bad news, hindi yata gaanong nababawasan ang mga dinatnang pagkakautang ng PCCM sa bangko.


Isinulong din ng Ottawa ang dagdag na 30 MPs na ang suweldo ng bawat isa ay $150,000 kada-taon, bukod sa travel expenses and other allowances na dagdag sa pasanin ng taxpayers.Thanks but no thanks to a majority government.

Sa Pilipinas

Bago nagbihis ang Lumang Taon, nag-iwan muna ng kalunus-lunos na trahedya sa buhay ng ating mga kababayan sa Northern Mindanao. Sendong sending more people to misery. Malungkot ang naging Pasko at kinakaharap na miserableng kabuhayan ng maraming tao, lalo na sa Iligan at Cagayan de Oro.


Patuloy ang pagbaba ng export business. Lumiliit ang kita ng may negosyo at tiyak nadadagdagan ang maraming nawawalan ng trabaho.


Ang executive and judiciary rift nina Pres. Aquino at Chief Justice Corona ay walang iniwan sa karaniwang giyera ng dalawang bansa. Sa huli ay kapuwa talo. Pambansang kabuhayan ng mga tao ang nalalatayan ng masamang epekto


Nais ni Pres. Aquino na maalis si Corona as Chief Justice dahil sa alegasyong Gloria’s protector. Sabi ni Corona, “hawak na ni PNoy angmga kongresista at gustong magtalaga ng chief justice na hawak niya sa leeg. Teka, tatlong mahistradong Gloria appointed pa raw ang plano ni Noynoy na mapatalsik sa SC.  Kung totoo, baka nga gustong mapalitan ng mga may kolyar na dilaw? Naku, from Gloria to PNoy Supreme Court?


Shortcut ang dinaanan ng impeachment complaint kay CJ Corona. Hindi ginamit ng mga kongresista ang daang matuwid ni PNoy. Patronage resources of pork barrel daw ang gumana? Ang kahihinatnan ng asunto ay nasa kamay ngayon ng mga senador.


Marami na ang nakakapuna sa anila’y maka-Haring pamamahala ni PNoy. Hindi nga malayong baka unti-unti nang bumaba ang kaniyang mataas na popularidad?


Payagan kaya ng Pasay Regional Trial Court si Gloria na makadalo sa regular session ng mga kongresista simula sa ika-16 ng kasalukuyan? Abangan.


Tulad ng mga Arroyo, si Major General Jovito Palparan na tinaguriang “butcher” ay inuusig din ngayon. Isang halimbawa ng nabaligtad na kapalaran.

Katas

Impeachment is a legal and political process. Numero ang magiging basehan ng panalo at talo. Sakaling si Corona ang mahatulang guilty ng mga senador, magiging mistulang “lame duck” ang Korte Suprema. Kung maabsuwelto naman, the executive will be in for a bad image. Malamang gamiting lahat ni PNoy ang executive resources para mapagtakpan ang tatamuhing matinding kantiyaw.

  • Walang nakakapiho kung ano ang magiging bunga ng kaso ni Corona.
  • Labing-anim na boto ng mga senador ang kailangan para manalo. Pito naman para maabsuwelto.
  • Animang re-eleksiyonistang senador sa 2013. Sina Sen. Jinggoy Estrada, Chiz Escudero, Loren Legarda, Greg Honasan, Allan Cayetano, Sanny Trillanes at Koko Pimentel III. Hindi malayong sila’y ligawan ni PNoy. Baka sakaling may sumuko sa power of the purse? Magastos kasi ang kampanya sa national elections.

Nawa’y maiwasan ang pagsiklab ng kaguluhang maaaring magbuwis ng dugo.

Kuwento

Nagusap ang mag-asawa sa unang agahan ng Bagong Taon:
Lalake: Hindi ka yata nakatulog kagabi?
Babae: Hindi nga eh.
Lalake: Ah dahil sa putukan?
Babae:Hindi ‘yon, may nagawa akong mali. Apat-na-taon na tayong kasal hindi ko masabi sa iyo.
Lalake: Kung ano man ‘yon, pinatatawad na kita, new year ah.
Babae: Naku, hindi ako, ikaw ang dapat humingi ng patawad.
Lalake: Teka bakit ako, ano ba ‘yong mali?
Babae:Nagkamali ako ng lalaking pinakasalan.

Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: frpacheco@shaw.ca

Have a comment on this article? Send us your feedback