Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoHunyo 1-15, 2013

Ni Paquito Rey Pacheco

Maligayang-bati sa lahat ng Ama na magdiriwang ng kanilang araw sa ika-16 ng kasalukuyan. Pagpugayan silang tunay na haligi ng mga tahanan. Ang naging pabaya, huwag namang kalimutan. Igalang din sana, “sila’y tao lamang.”


Itutuloy na raw sa Enero 2014 ng gobyernong Harper ang pinigil na parents’ sponsorship ng mga landed immigrants sa buong Canada. Maganda ang balita sa mga mayayaman. Pangit sa mga hindi makakasunod sa mahigpit na proseso at malaking gastusin.


Ang komento ng kaibigan kong LP-MP, as critic on immigration, eh, waring nasisiyahan na sa pakulo ng Federal PC. In short, ok at be prepared, sabi niya. A critic is a critic is a critic. Buti pa si Tito Mike Scott, columnist dito sa Pilipino Express. Ang sabi’y “Only the rich need apply for redesigned sponsorship of parents.”


Limitado sa 5,000 ang bilang ng applications for processing para sa 2014 sa buong Canada. Maraming parent na nakadalaw na sa kanilang mga anak dito through multiple visa ang maaaring magka-problema. Nasunod ba ang mga requirements as tourist sa panahon ng kanilang stay in Canada?


Feedback

Kaka,

Tungkol sa outreach services program dito ng Philippine Consulate from Toronto. Tumawag po kami noon. Sabi’y “wait for the announcement.” Unang araw, narinig namin ang balita. Tumawag kami agad sa coordinator dito. Sabi’y puno na raw. Ano ba ‘yan?

Naku. hindi po kayo nag-iisa.


Ang upuan ni PM Harper ay niyayanig ngayon ng Senate expense scandals. Nauuso na rin pala dito sa Canada ang pakapalan ng mukha. Ibabalik daw naman ang pera? Pababayaang na lang bang liparin ng hangin ang mga kasalanang nagawa nila sa bayan?


Canadian taxpayers money ‘yon. Marami ang nabubuhay cheque by cheque. Si Wright na alipores ng PC does what is wrong. Iwas-pusoy naman ang PM. Sabi’y Wright solely responsible. I’m angry. Sorry. Ganon na lang ba ’yon?


Sapakatan ng organisasyon ng mga may mina ng langis ang sanhi na nararanasang mataas na presyo ng krudo at gasolina. Kasama sa usapan ang Canada na may sariling mina.

Pilipinas

Ang Pilipinas ay nakasama sa 16 countries na blacklisted sa France dahil sa hindi malinis na reporting ng mga donasyon at tulong ng foreign governments. Pati ang mga lokal na bangko ay nasangkot sa problema.


Lumalamig na ang kaso ng Pilipinas at Taiwan sanhi ng pagkakabaril na ikinamatay ng Taiwanese fisherman. Samantala, umiinit na naman ang iringan sa pagitan ng Maynila at Beijing.


Sabi ni Gen. Jasmin, hepe ng AFP, lahat ng sundalo niya ay handang mamatay sa pagtatanggol ng Pilipinas laban sa Tsina. Naku, kailangan pa bang sabihin ‘yon? Bulaklak ng dila ang dating sa mga tao. Talagang nakalaan silang mamamatay dahil walang armas na panlaban.


Ginigiit ng Palasyo na tiwala kay Noynoy kaya nahalal ang siyam na senators ng Team PNoy. Teka. Kung totoo, eh, bakit lahat ng mga kandidato sa pagkagobernador na inindorsyo ni PNoy, tulad sa Cavite, Laguna, Pampanga, Pangasinan at Tarlac na mismong lalawigan ni Noynoy ay mga talunan? Nahan ang tiwala? Baka nasa Comelec hokus-Pcos machines?


Sa totoo lang, ang mga nahalal na senador sa Team PNoy ay totoong mga kilalang pangalan. Pera ng taxpayers na ginastos ng Malacañang ang nakatulong. Tatlong senador ng UNA ang nakalusot. Tig-isa ang tinaguriang Three Kings: Lady Binay, JV Estrada at Honasan.


Si Senador Frank Drilon ang malamang makahalili ni Sen. Juan Ponce Enrile as Senate President. May sariling bloke na ang LP at NP sa Senado, kasunod ng pag-uusap nina Drilon at Sen. Villar na pinuno ng NP.


UNA ang koalisyon na mangunguna sa pagbabagong tatag ng minority sa Senado. Abangan ang magiging galaw ng NPC, Lakas-NUCD at iba pang partido, segun sa mga magiging Committee Chairmen sa mataas na kapulungan ng kongreso. Sana sa balasahang nangyari, ang hangarin na mabuti ay hindi sumama pa sa dati.


Sabi ni PNoy, inaasahan niyang ang mga natulungang nanalong senador na nangako sa kaniya ay magpapakatotoo. Naku, malayong mangyari ‘yon. Pribelehiyo ng mga politiko ang hindi tumupad sa mga pangako. Ang mga pangako ba ni Noynoy noong 2010 ay natupad?


Sa tatlong taong nalalabi sa term ni PNoy tila wala nang pag-asa ang Cha-cha at ang Freedom of Information bill. Magkakaroon lang marahil ng mainitang debate tungkol sa FOI bill. Moro-moro at grandstanding lang ‘yon.


May kani-kaniya partidong kinaaaniban ang mga senador na dinatnan ng mga nanalo. Ang 2016 presidential elections ay krusyal sa LP. Paalis na si PNoy sa 2016 kaya kung mayroon man, mawawalan na rin ng bisa ang kaniyang kamandag. Binay’s coalition party ang malamang sabitan ng mga panike at balimbing na kongresista at senador.


Nakaraan na ang eleksyon. Asahang babawiin naman ng mga nanalong kandidato ang kanilang nagastos. Patuloy na magpapayaman sa kabila ng nadadagdagang bilang ng mga mahihirap?


Ang larangan ng Philippine agriculture ay malaon nang nagiging biktima ng noynoying. Foreign farmers ang natutulungan. Sila ang nagtutustos ng mga agricultural products sa Pinas, tulad ng bigas through importation and smuggling.


Maraming taktika ang DAR for delaying sa kaso ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Pati ang Korte Suprema ay waring kinukondisyon. Naku, sino ba ang mga may-ari ng Hacienda?

Bakit pa kayo magtataka?


Simula sa ika-3 ng Hunyo, panibagong school year na naman ngayon sa Pilipinas. Pati mayayaman ay nagrereklamo na sa gastusin ng kanilang mga anak. Ang mga mahihirap na pamilya pa kaya? Maraming hindi na makakapag-aaral. Pati mayayamang mag-aaral na apektado naman ng kakulangan sa mga paaralan.

Katas

Heritage ay pamana. Higit sa lahat, alalahaning ang Pilipinas ay bansang pamana sa mga Filipino ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ginugunita natin dito ang pamana ng ating mga ninuno. Iba’t ibang kaugalian, kultura, wika, talino at iba pa na taglay ng mga Pilipino.

Tinataon ang pagdiriwang sa mga araw ng pagunita sa kalayaan ng Pilipinas na ika-12 ng Hunyo ng bawat taon. Ginugunita upang buhayin ang kasaysayan para sa ikabubuti ng pamayanan ng Filipino-Canadians.

Lahat halos ng bansa ay nagdiriwang ng kani-kanilang araw ng pamana. Dito sa Canada, Mayo ang Asian Heritage Month. Pinapupurihan ang iba’t ibang kulturang Asyano at pinahahalagahan ang kanilang mga nagawa at ambag ng Asian-Canadian sa Canada.

Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Have a comment on this article? Send us your feedback