|
Pilantik • Marso 1 -15, 2010 |
|
|
|
Monday, 01 March 2010 00:29 |
|

BALAGTAS, Bulacan – Dahil sa matinding init at tipid na daloy ng tubig sa irrigation system, ang halos kalahati ng mga nakatanim na palay sa Barangay Dalig ay malamang hindi pakinabangan. Nagkakaroon na ng bitak ang mga pitak na may tanim na palay.
***
Wala pa rin daw matiyak kung hanggang kailan magkakaroon ang Bulakan ng isang gobernador. Dalawa nga daw ang nakaupo, eh.
***
Ang pagdami ng mga eskuwater sa Metro Manila, mga karatig lunsod at probinsya ay kasalanan ng mga politiko. Ang karapatan ng mga may-ari ng lupa ay ipinagpalit ng mga politiko sa hinahangad na boto. Napapanahon ang rebisyon ng Lina-Law.
***
Marahil, dapat na ring rebisahin ng magkabilang kapulungan ng kongreso ang local government law. Ang magandang layunin ng batas na makatutulong sa kabuhayan ng mga magbubukid ay hindi nangyari. Ang perang dapat ilaan sa serbisyo ng mga extension workers ay napupunta sa bulsa ng local officials, kaya patuloy ang paghahari ng political dynasties.
***
Kabi-kabila ang “sabuyan ng putik” ng mga kandidato sa May elections. Aba, wala palang malinis, kaya mahirap mawala ang mga kurakot.
***
Alam naman pala ng mga botante na ang dahilan ng kahirapan sa buhay na dinaranas ngayon sa Pinas ay kurapsyon, kaya marunong na raw sila ngayon. Tatanggapin ang pera ng mga politiko pero sila ang pipili ng kanilang gustong iboto.
***
Hindi totoong wala nang magagandang balita na naririnig, napapakingan, nakikita at nababasa tungkol sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas. Mayroon naman. Ang mga Pinoy ay marunong magtiis sa hirap ng buhay. Nalilibang sa political drama.’Yan ang good news.
***
“Pera ko naman ang aking ginagastos sa kampanya,” sabi ni Manny Villar. Ha? Bakit ang mga tag sa ads eh, “Paid for by Villar’s friends”? Si Gloria ba ang isa sa friends? Nagtatanong lang po.
***
Personalidad daw sa ilalim ng umiiral na batas ang pinagbasehan ng Comelec sa isyung bawal ang celebrity endorser sa mga kandidato? Buti na lang binawi. Kung hindi, lahat ng mga nasa tri-media na mga kolumnista, komentarista at radio-TV anchors ay apektado.
***
Pagkaraan ng mahigit na isang taon, ang popularidad ng administrasyong Obama ay nagmistulang nauupos na kandila. Madaling nasuya ang mga Kano sa matatamis na pangako ni Barack.
***
Lahat ng mga naging presidente ng Amerika simula sa matandang Bush hanggang sa bata ay pabor sa re-election ng mga sitting presidents. Tanging si Obama, ayon sa survey ang sa wari ay tinatanggihan ngayon ng mga Amerikano sa re-election.
***
Kung totoo ang balitang nag-aalsa-balutan na ang mga US, Japan and Taiwan investors in China, maaaring sa Pilipinas sila maglipat ng negosyo kung ang mga opisyal ng gobyerno ay hindi hihingi ng malaking “tongpats.”
***
Hindi malayong ang Winnipeg October 2010 civic elections ay maunahan ng Federal elections. Magliliwanag ang senaryo pagkaraang maiharap sa July ni PM Harper ang pambansang budget ng goberno.
***
Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.
E-mail:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Have a comment on this article? Send us your feedback |
|
|
More Articles...
-
Pilantik • Pebrero 16 -28, 2010
-
Pilantik • Pebrero 1 -15, 2010
-
Pilantik • Enero 16 - 31, 2010
-
Pilantik • Nobyembre 16-30, 2009
-
Pilantik • Nobyembre 1-15, 2009
-
Pilantik • Oktubre 16 - 31, 2009
-
Pilantik • Oktubre 1 - 15, 2009
-
Pilantik • Setyembre 16 - 30, 2009
-
Pilantik • Setyembre 1 - 15, 2009
-
Pilantik • Agosto 16 - 31, 2009
|
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>
|
|
Page 1 of 30 |