|
|
| Sunday, 16 August 2009 00:28 | |||
|
*** Noong nakaraang isyu ng Pilipino Express (August 1 - 15) may isinulat akong mungkahi sa pitak na ito. Bagama’t maraming sang-ayon, may isang tao na ang aking personal na pagkatao ang siniraan sa halip na ipaliwanag ang kaniyang motibo sa isyu. Ang nakalagay na pinanggalingan ng e-mail sa aming editor ay nagngangalang Allan Zoleta, pangulo yata ng isang asosasyon dito, narito ang nakasaad sa kaniyang e-mail: “Mr Pacheco is a wash up commentator who is a very negative person( sorry I cannot call him a journalist because it doesn't fit him). I never heard him say anything good on anything. Sir, step back and deal with reality, your old way and stagnant principle does not apply to new generation, yours expired long ago. He is a good example of pinoy crab mentality, whereas when anyone try to make a difference, Mr Pacheco will do his usual 1 cent input of nonsense. A word of advice... stay home and enjoy your past memories and glory. Cheers & cool it!!!!” Tinatawanan ko lang ang ganiyang mga personal na komento. Opinyon niya ‘yon. Okey lang kung hindi niya matanggap ang aking mungkahi tungkol sa PAM na dapat ay tulungan na lang mapasigla sa halip na magtatag ng ibang Pinoy umbrella organization. Mungkahi lang ‘yon ng isang sinabi niyang “a wash up commentator.” Huwag dibdibin. Sorry po kung nakapagdulot ng high blood. Ituloy ang kanilang napakababaw na kaligayahan. Baka nga suwertihing makasungkit ng grant, na sa huli ay kanilang pag-aawayan. Mabuti kung ibabayad sa mga utang ng PCCM. Okey ‘yon. *** Hindi ko po pinipilit ang sino man na basahin ang pitak na ito. Ang mga komento ko ay para sa mga marunong umunawa ng isyu; hindi sa mga pikon at bastos. Ako daw ay halimbawa ng “Pinoy crab mentality.” Aba eh, sino kaya ang parang mga talangka ngayon? Nariyan na ang PAM, gusto pang agawan ng kendi. Hay naku. *** Tila lumagpas sa hangganan ng protocol si Barack Obama. Sa paglutas ng US problems sa ASEAN, itinalagang coordinator si Ms Arroyo. Naku si Barack, ano ba ang palagay niya kay Gloria, utusan o pangulo? *** Halos sagad naman sa tenga ang tawa ni Lola. Hindi naisip na baka inuuto lang siya ni Obama. Insulto ‘yon at kawalan din ng pitagan sa mga lider ng ASEAN. Sana sa kanila ipinaubaya ni Obama ang pagpili ng kanilang coordinator. *** Bakit kaya si Ms. Arroyo na noo’y iniiwasan ni Obama ay kusang inanyayahan sa Whitehouse? Ang pagkikita nila ay waring hindi binigyan ng importansya ng foreign media. Buti pa ‘yong “beer summit” ni Barack, naging bongga. Nang makaalis ang pangkat ni GMA saka umupak ang New York Post at Washington Post tungkol sa dalawang bangketeng may $35 libong US daw ang nagastos. Ano ba ‘yan? *** Teka, ayon kay US Ambassador Kristie Kenney, sinabi daw ni Barack kay Gloria sa kanilang one-on-one meeting na dapat matuloy ang 2010 elections. Ang naging US Ambassador sa Pilipinas na si John Negroponte ay nagpahayag din daw na dapat walang ChaCha to extend term limit of elected officials. Maliwanag? *** “I thank God for making me a Filipino,” sabi ni Tita Cory. Sa totoo lang, nasapawan ng kaniyang pagyao ang ayon sa Palasyo ay matagumpay na misyon ni GMA noong July 30. Inabutan ng “tabsing sa dagat.” *** Bago umalis si Gloria patungong Washington, inupakan nang husto ang mga kritiko at oposisyon sa kaniyang 2009 SONA. Si Tita Cory naman, bago pumanaw ay nakipagkasundo sa mga naging kaaway sa politika. Iyan ang pagkakaiba ni Lola kay Tita. *** Kung si Sen. Villar ay na-C-5 re: conflict of interest, tila gayun din ang isyu ngayon laban sa mga Arroyo, kaugnay ng Gloria’s “mysterious millions” *** Ginugunita ngayon ang buwan ng wika o National Language Month. Alalahanin din sana ng mga magulang ng mga batang Filipino-Canadian na maturuan ang kanilang mga anak ng mga wikang Pinoy. Sa gayon ay maiiwasan ang karaniwang pakiwari ng mga bata na sila’y nasa ibang planeta kapag nakasama sa pagbabalikbayan. Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. Have a comment on this article? Send us your feedback
|



