| Pilantik • Setyembre 16 - 30, 2009 |
|
|
| Wednesday, 16 September 2009 00:27 | |||
|
Minsan pang pinangunahan ngayon ng Winnipeg-Filipino Breakfast Council ang isang petisyon na naglalayong kaltasin na ang show money requirement for skilled workers under the Provincial Nominee Program. Ayon kay Chairman Fred De Villa ng WFBC, hihilinging ang gayung requirement ay hindi na dapat kung may mga kamag-anak ang mga aplikante dito sa Manitoba na pipirma ng Affidavit of Support. Ang kahilingan ay ipadadala sa kinauukulang ahensya ng Provincial and Federal government. *** May kaugnayan kaya sa US recession ang mabagal na proseso sa pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga beteranong Pinoy ng WWII? Sana habang buhay pa ay matanggap na ng naghihintay. *** Ang import-export ng Pilipinas ay malubhang apektado dahil sa bagsak na halaga ng pisong Filipino laban sa US dollar. Namimiligro ang karagdagang unemployment sa bansa. *** Marahil malabong mangyari ang hiling ng CBCP na pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas sa Enero 2010. Wrong timing? *** Maaaring marepaso ang VFA, pero ang palayasin sa Pilipinas ang mga sundalong Kano, eh, malabo pa sa sabaw ng adobong-pusit na mangyari. Lumayas lang sila noon sa Clark Fields dahil nagalit ang Pinatubo. Sa Mindanao, eh, walang bulkang magpapalayas sa kanila. *** Sabi ni Sen. Ric Gordon, “FG should explain NBN ZTE mess.” ‘Yon nga, pero kung ayaw dahil makakasama sa kalusugan ng esposo ni Gloria, para lang siyang nagsalita sa pader. *** Halatang ingat-na-ingat daw sa mga pahayag ang palasyo tungkol sa kaso ni Chavit. Aba, alalahaning, he who “sings song” against Erap, kaya si Lola Gloria eh, nasa Malacañang. Dapat ngang cool, dahil ang pindeho ay isang kasong mabigat at masakit na isyu sa isang tanyag na tao. *** Milyon-milyong piso na ang nalulustay ng mga presidentiable. Hindi kaya mangurakot ang mananalo para mabawi ang nagastos? Kung positibo ang kuro ninyo, ‘yon din ang palagay ko. *** Kung saan nanggaling ang kayamanan ng panganay na anak na kongresista ni Mrs. Arroyo ang pinagpipistahan naman ngayon ng media. Sabi daw ni Mikey, “Magdemanda kayo.” *** Wala daw pera si Noynoy. Sino kaya ang “ninong” nang ginamit niyang chartered plane nang simulan ang kaniyang umano’y retreat sa Zamboanga? Pero teka, ang buong suporta noon kay Tita Cory ng mga may-atik na elite ay waring hindi makukuha ngayon ni Sen. Aquino. *** Tila nasubo nga si Noynoy sa masalimuot na kompromiso nang magdeklarang kandidato sa pagka presidente ng Pilipinas. Isa lang ang kalaban ni Tita Cory noon – si Pres. Marcos vs United Opposition. Iba ang sitwasyon ngayon. Bukod sa palaka ng administrasyon, ang opposition parties ay opposing each other. *** Pinepersonal ng mga alipores ng palasyo ang pagkatao ni Noynoy. Ay mali. Isang karaniwang housewife lang daw si Tita Cory, sabi ng mga maka-Marcos noon. Alam na natin ang nangyari. Pinalutang ni Noynoy ang isyu ng kurapsyon at nangako ng clean and honest government. Naalala ko tuloy ang kampanya noon ni Ramon Magsaysay, Sr. vs Quirino administration. Natalo si Da Apo. Maaaring maulit ang kasaysayan. *** Malaki na ang nabawas sa Erap popularity ngayon kumpara noon. Walang iniwan sa kaso ni Sen.Villar na ayaw humarap sa senado nang umalingasaw ang baho ng singit-budget. *** Sa kasakukuyang administrasyon ay marami nang nabunyag na umano’y mga nakaw na yaman. Sana, ang mga boto sa 2010 ay hindi manakaw para maiwasan ang failure of elections. *** Ang mungkahi ko sa mga kinauukulan: “Don’t kick pointed objects” Sarili ang masasaktan kapag sinipa ang matulis. Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. Have a comment on this article? Send us your feedback
|



