Pilantik • Oktubre 16 - 31, 2009 Print E-mail

Paquito Rey Pacheco

 

Isang ugaling-Pinoy ang dapat ipagmalaki. Ang pag-iral ng bayanihan spirit at tunay na mga bayani sa panahon ng pangangailangan. Dito sa Winnipeg ay buo at taos sa puso ang pagkilos na ipinakita ng ating mga kakabayan na matulungan ang mga naging biktima ng kalamidad sa Metro Manila, mga kalapit probinsya at dakong norte ng Luzon.

***

Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nag-abuloy ng kanilang nakayanan. Ilibing na rin natin sa limot ang ginawi ng ilan na kilos “imbestigador.”

***

 

Pinuri ng Winnipeg-Filipino Breakfast Council ang pahayag ng Ottawa. Sinabi ni Immigration Minister Jason Kenney noong ika-2 ng Oktubre na “Canada will fast track the immigration of Filipinos directly and significantly affected by tropical storm Ondoy (International code name Ketsana) seeking to relocate here.” Priyoridad ang mga aplikante na may mga kamag-anak na naririto sa Canada.

***

Ang WFBC Chairman Fred De Villa ay nagsabing sana ay tularan din ng Manitoba Immigration Minister ang humanitarian gesture ng Ottawa. Maraming application for Provincial Nominee Program na inaabot ng mahigit isang-taon bago maaksyunan, ayon kay De Villa.

***

Patuloy ang maraming nawawalan ng trabaho sa US. Isang indikasyon na bigo pa rin ang Obama administration sa sinisikap na economic recovery.

***

Tiyak na malungkot ang Pasko sa Pilipinas, lalo na ang mga biktimang pinadapa ng kalamidad na Ondoy at Pepeng. Ipagpatuloy sana ang pagtulong ng mga may-kakayahan hanggang ang mga biktima ay makabangon.

***

Habang bumababa ang tubig-baha, tumataas naman ang bilang ng mga buhay na nasawi at halaga ng napinsala.

***

Balik pulitika na naman sa bansa. Pati ang pamimigay ng donasyon sa mga naging biktima ng kalamidad ay may kulay-kampanya. Sabagay, ang mahalaga, eh, makarating sa mga dapat tumanggap ang tulong.

***

Ang Pope Benedict XVI ay nanawagan na pumili ng “ugright political leader” sa 2010 elections upang matigil ang kurapsyon sa Pilipinas. Isang sisinghap-singhap na arawang babasahin sa Pilipinas ang bumatikos sa pahayag ng Santo Papa. Ayokong isiping may payola mula sa isang kurap na presidentiable.

***

“Sa paghahalal ng presidente, piliin ang competence and managerial ability, hindi dahil sa popularity,” sabi ni Sen. Villar ng NP. Tama. Huwag ‘yong gumagastos ng milyon-milyon para lang maging popular.

***

Malakas ang sigaw ng pagbabago sa gobyernong nasyonal at lokal. Anong pagbabago ang maasahan kung ang iboboto ay mga trapo na ugaling buwaya at aso?

***

May kasabihang “blood is thicker than water,” pero para daw kay Danding waring “politics is thicker than blood.” Sinabing ang NPC ay magkakaroon ng sariling kandidato sa pagka-pangulo. Parehong pamangkin niya sina Teodoro ng Palaka at Aquino ng LP.

***

Apat na ang tinitiyak na kandidato ng umano’y mga oposisyon na ang pagkakaisa ay sa bunganga lang pala. Sina Villar ng NP, Aquino ng LP, Escudero ng NPC at Estrada ng PMP-PDP Laban. May pag-asa si Gibo dahil ang boto laban sa adminisytrasyon ay paghahati-hatian ng apat na oposisyong partido.

***

Sakaling umatras si Bigote, ang suporta ay malamang hindi maibibigay sa mga nagtaksil sa kaniya kaparis ni Villar ng NP at ang Aquino-Roxas ng LP. Sila ay may mga kinalaman sa nangyaring pagpapalayas kay Erap sa Malacañang.

***

Ginagawang lahat ng Malacañang ang paraan para mabawasan ang mabahong amoy ng administrasyon dahil sa kurapsyon at ibang mga katiwalian. Kahit tanggi ng Palasyo, maliwanag na naniniwala na sila sa survey. Bagsak na bagsak ang popularidad ni Ms. Arroyo.

 

Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

E-mail: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Have a comment on this article? Send us your feedback