Pilantik • Nobyembre 1-15, 2009 Print E-mail
Sunday, 01 November 2009 00:29

Paquito Rey Pacheco

Unti-unti nang lumalamig sa Winnipeg bagama’t may mangilan-ngilan pang patuloy sa pangingilak ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas. Teka, maraming nakapuna’t pumuri sa paglilingkod ni Honorary Consul Edda Pangilinan. Siya mismo ang buluntaryong nag-iimpake ng may dalawang-daang boxes of relief goods na pinadadala sa Maynila. Napaka-tiyaga. Isang huwarang paglilingkod.

*** 

May mga naghahangad na ipagpaliban ang eleksyon ng pamunuan ng PCCM sa taong ito. Bakit? Kung ayos ang libro-de-cuenta at walang ibang problema, ano’t lalabagin ang konstitusyon ng Centre?

***

Ang civic election ng Winnipeg ay nakatakda na 12-buwan mula ngayon. Isa sa pinag-iinitang lugar ang Point Douglas na hangad maagaw kay Mike Pagtakhan.

***

Tinaasan na ang US immigration fee. Mula sa dating $400 ay ginawang $675. Halatang hirap na hirap si Barack Obama na maibangon ang nadapang ekonomiya ng Amerika.

***

Noong 1984, si Pres. Reagan ay nagpalabas ng direktiba na pinagbawal at hinihigpitan ang pag-gamit ng US taxpayers monies sa abortion campaign para sa mga developing countries. Ang kautusan ay binale-wala ni Obama. Sa family planning issue, for prevention si Ronald, si Barack ay pro-abortion.

***

Dahil sa nangyaring kalamidad sa Pilipinas, lalong nabilad ang pagiging inutil ng gobyerno. Sinikap ng ating mga kabayan sa iba’t ibang bansa na mangalap ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad pero waring iniipit ang pagbibigay sa mga tao. Dapat sibakin sa katungkulan ang mga nasa likod ng pangyayari.

***

Ang mga politiko ngayon sa bansa ay mistulang mga unggoy sa gubat. Nagbabaging ng paglipat sa ibang partido.

***

Sina Estrada at Binay ang tandem ng United Opposition. Pa’no naging united, eh, nariyan din ang NP, LP at NPC?

***

Nagsimula na ang demolition job laban kay Sen. Chiz Escudero matapos magbitiw sa NPC. Kapag sumobra, baka mag-boomerang? Ayon sa Samahang Magdalo, patuloy nilang susuportahan si Chiz kung magpapatuloy na walang aanibang partido.

***

Si Escudero daw ang susuportahan ni Ms. Susan Roces na balo ni FPJ. Bakit ang pinile, eh, si Chiz at hindi si Erap? Baka naisip ang sinabi ni Dr. Rizal – “Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.”

***

Tinotoo ng crying lady ang pangako, “kandidato ako for Vice President.” Tahasang sabi ni Sen. Legarda na hindi siya mag-aalsa-balutan sa NPC. Kung walang presidential tandem sa 2010, ang partido ni Danding, malamang maging guest candidate si Loren sa NP ni Villar.

***

Malayong mangyari ang pangako ng mga presidentiables na handang umusig kay Gloria. Sa Ombudsman ang bagsak ng kanilang habla. Habang si Mercy ang nakaupo doon, ang kaso laban kay Ms. Arroyo ay matutulad sa mensahe ng awiting Mona Lisa – “they just lie there and they died there.”

***

Kayod-Marino na daw ang mga propagandista ni Sen. Villar. Sinisikap maungusan ang popularidad ni Noynoy Aquino.

***

Aba, ayon kay Press Sec. Cerge Remonde, “Estrada should be allowed to join 2010 race.” Ay! Parang duck, bubulabugin, paglipad saka babarilin? Sa kabilang dako, pabor din naman sa kandidato ng administrasyon dahil malaking boto ng oposisyon ang makukuha. Kung hindi papayagan, isang oposisyong presidentiable na susuportahan ni Erap ang makikinabang.

Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

 

E-mail: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Have a comment on this article? Send us your feedback