Print E-mail
Saturday, 16 January 2010 00:29

Paquito Rey Pacheco

Ang ika-30 ng Disyembre ay taunang obserbasyon sa anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal. Itinataas nang ganap sa Luneta ang Banderang Pilipino, bilang parangal sa kaniyang kabayanihan, hindi half-mast na simbulo ng pagluluksa gaya ng nasaksihan sa PCCM. Only in Winnipeg – si Rizal ay inilibing noon sa ikalawang pagkakataon?

***

January 30 ang biyahe sa Pilipinas ni MLA Kevin Lamoureux upang mag-conduct ng mga Manitoba Nominee Program workshops. Magaling na political gimmick. Kaya lang, kapag ang nag-attend ay nahaluan ng mga recruiters, kahit na walang kuneksyon sa MLA – siguradong magkakaroon ng negative message.

***

 

Nagreklamo ang opposition parties nang pagbakasyunin ni PM Stephen Harper ang mga MP hanggang Marso. Ayon sa Canadians, ang hakbang ay diktadorya na ang layon ay umiwas sa mga kritisismo. Maaaring ang motibo ng PC ay paghandaan ang pagtawag ng spring federal elections.

***

Ang nadapang ekonomiya ng mga bansa noon ay nakakabangon na raw. Buti naman, bagama’t iika-ika pa rin tulad ng USA.

*** 

Nang mapawi ang usok ng Bagong Taon, marami ang naputulan ng mga daliri at kamay, nawalan ng sariling buhay at bahay – tigas-ulo kasi, eh. 

*** 

Binuksan daw ni Mrs. Arroyo ang Palasyo. Nagbigay ng mga regalo sa mga mahihirap. Oo naman, dahil hindi lang ang kaalyadong mga politiko ang palaging nireregaluhan. 

*** 

Ang landas ng buhay na ating nalampasan sa 2009 ay lubhang matinik at madulas. Ngayon, sa mga unang araw pa lamang ng batang-taon, may ulap na ng kadilimang nagbabanta sa kinabukasan ng ating bayang kinamulatan. Pangunahin ang kaguluhang maaaring mangyari sa ika-10 ng Mayo. Halimbawa ay kung magkaroon ng failure of elections? Baka walang proklamasyon sa mga inaakalang nanalong kandidato. Hindi malayong magkaroon ng civil war na sa huli ay martial law ang sulusyon. 

*** 

Sa harap ng mga opisyal, sinubukan ang mga makinang gagamitin sa 2010 elections. Palpak. Sa 600 balota na ipinasok, 30 lang daw ang nabasa ng reading machine. Baka raw nakalog lang sa delivery, sabi ng isang opisyal ng Comelec. Naku, posibleng makalog din ang mga boto. Teka, bakit ang Comelec ang nagdedepensa, hindi ang mga opisyal na Smartmatic-Tim? 

*** 

OK si Jingoy sa kasong isinampa kay Ping ng DoJ. Paano ‘yan sabi ng mga naulila ni Buddy Dacer, sasampahan din ng kaso si Erap? Malakas daw ang bulong mula sa Palasyo kaya maaaring makulong si Lacson at si Erap, eh, mapigil sa pagtakbo? 

*** 

Mula sa kampo ni Villar: Malacañang at all costs. Ang nais daw naman ng mga alipores ni Gloria, “Kahit anong paraan, manatili lang sa kapangyarihan.” 

*** 

Kung susuriin ang plataporma de gobyerno ng presidentiables, wala ring pinagbago sa nakaraang halos 50-taon. Ni walang plano tungkol sa agham at teknolohiya (science & technology), maging sa sektor ng edukasyon, kaya ang Pilipinas ay napag-iiwanan sa pag-unlad ng mga kalapit na bansa.

 

Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

 

E-mail: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Have a comment on this article? Send us your feedback