Pilantik • Pebrero 1 -15, 2010 Print E-mail
Monday, 01 February 2010 00:29

Paquito Rey Pacheco

Malalaman sa darating na Tag-lagas kung ang nakaupong diyos-diyusan sa City Hall ay malalaglag sa upuan. Kung hindi magkakaisa ang tatlong nagtatangkang humalili, malabong maagaw ang upuan ng kasalukuyang mayor.

***

Ang FCTPAM at MaCFA sa Winnipeg ay naglunsad ng kampanyang tulong sa mga biktima ng lindol sa Haiti. Tulungan natin ang mga nangangailangan.

***

 

Kasalukuyang naghahanda para sa spring elections ang mga eskuwater sa parliament. Naghahanap ng mga partidong ka-tandem ang pangunahing oposisyong LP. Hangad mabasura ang ihaharap na budget ng PC na mitsa ng pagtatakda ng Federal elections.

***

Nagresulta sa pagbagsak ng Asian market ang pag-kastigo ni Barack Obama sa mga Bangkero ng US. Ang motibo ay maiwasan ang patuloy na pananamlay ng US economy.

***

Sa ika-15 ng Pebrero ang deadline of the onetime benefit payments sa mga Filipinong beterano ng WWII. Nakalaan ang $9 thousand sa mga non-US citizen at $15 thousand naman sa mga naging US citizen. Pero bakit ang maraming nakapagharap na noon ng kanilang applications ay hindi pa nakakatanggap ng payment hangga ngayon?

***

Mula noong ika-25 ng Enero, si Harry Thomas Jr. na ang bagong sugo ng Washington sa Maynila. “I shall return,” sabi naman ni Kristie Kenney. Naalala ko, ganyan din ang sinabi ni Heneral Douglas MacArthur noong WWII. Matapos dinala ang mga sundalong Amerikano at Pilipino sa gipit na Bataan at Corregidor, saka tumakas sa Australia.

***

Ang COMELEC daw ay nagsa-Haring Solomon nang payagan si Erap na kumandidato sa pagka-pangulo. Ipinasa sa mga botante ang pasiya sa kaso ng pinatalsik na presidente.

***

Mas mainit ang nangyayaring political campaign sa Pilipinas ngayon kaysa init na taglay ng summer doon. Sina Noynoy Aquino ng LP, Manny Villar ng NP, Erap Estrada ng PMP at Gibo Teodoro ng Lakas-Kampi ang nag-aagawan sa mga pamanang problema ni Gloria.

***

Kaya daw nangungulelat si Gibo sa survey eh dahil napakabigat ng dalang bagahe. Ang kahulugan daw kasi ng GIBO ay Gloria’s Interests Before Others.

***

Marami ang nagtataka. Tahimik daw ang Malacañang sa isyu ng pagtakbo ni Erap. Bakit nga? Baka iniisip na sakaling si Estrada ang manalo si Gloria pa rin ang nasa Palasyo? Salamat sa Korte Suprema.

***

Guilty si Villar, tungkol sa unethical C-5 project singit-budget, ayon sa report ng Committee of the Whole ng Senado. Eh, ano ngayon, “censure” lang naman yata ang magagawa nilang parusa sa negosyanteng senador.

***

Si Villar ng NP eh, nasagasaan ng alegasyong corrupted road projects. Makakaiwas kaya si Noynoy Aquino ng LP? Kasi, tulad ng C-5, nangangamoy din ang baho ng Hacienda Luisita Subic-Tarlac Expressway.

***

Ilusyon at espikulasyon lang ang kinakalat na balitang failure of election at martial law mula sa mga kampo ng NP at LP - ayon sa taga-pagsalita ng palasyo. Aba, bakit pa nga naman sila nagkukumahog sa pagkandidato kung natatakot sila sa sariling anino.

***

Shock absorber lang daw ng Ampatuan trial ang binuhay na kaso ni Ping Lacson? Naku parang tirang-ulam sa fridge. Pinaiinit ang malamig at ang malamig ay iniinit para makain.

***

Sa COMELEC ang sisi sakaling pumalpak ang 2010 poll automation elections. Hindi malayong maging mitsa ng kaguluhan. Pero ‘yon nga, manisi man kung huli, naganap na ang hindi dapat nangyari.


Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

 

E-mail: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Have a comment on this article? Send us your feedback