Pilantik • Pebrero 16 -28, 2010 Print E-mail
Tuesday, 16 February 2010 00:29

Paquito Rey Pacheco

Makulay ang naging General Meeting ng PCCM noong ika-pito ng kasalukuyang buwan. Maganda ang mga mungkahi ng board of advisers’ Chairman Dr. Rey Pagtakhan. Isa sa mahalagang opinion ni Dr. Rey ay “dapat ang honorary consul, eh, may opisina sa PCCM.” Ang pinakamahalaga sa isang organisasyon ay hindi nabanggit – sundin ng executive officers ang mga probisyon ng batas. Halimbawa: ang eleksyon ng board members ay dapat ginawa bago magtapos ang huling araw ng Disyembre. Hindi katulad ng nakaraan. Ika-pito na ng Pebrero ginawa. Itapon na lang kaya sa basurahan ang by-laws ng PCCM kung hindi rin lang nila sinusunod.

***

Plano ni Barack Obama na tulungan ang small business sa hangad na makalilikha ng dagdag na trabaho. Malaking budget ang kailangan na ang resulta naman ay dagdag na deficit ng gobyerno. Sa doktrinang capitalism, ang maliliit na negosyo ay madaling “kainin” ng malalaki.

***

Ang susunod na pangulo ng Pilipinas ay kailangang “tunay na matapat.” Mayroon ba ngayong ganoon sa hanay ng mga kandidato? Nakakalungkot.

***

Kung isang puppet ang susunod na pangulo, ang Mindanao na “lupang pangako” ay malamang bumigay sa Kano na magkaroon ng US Military bases doon.

***

Maganda nga ang layunin ng presidential forums, ngunit pangit kung katulad ng nangyayaring kulang ang panahong maipaliwanag ang kani-kanilang plataporma.

***

Nakakaduda ang mga presindentiable na “tameme” sa mga seryosong isyu. Baka maging taga-pagtago rin ng katiwalian at kurapsyon.

***

Itinanggi ng Malacañang ang alegasyong si Villar ay “manok” ni Gloria. Napagbibintangan kasi dahil maraming “batang palasyo” na mga kandidato daw ngayon sa tiket ng NP. Si Jocjoc Bolante, sa pagka-gobernador ng Capiz; Ex-Justice Secretary Raul Gonzalez sa pagka-mayor ng Capiz; Mike Defensor sa pagka-mayor ng Quezon City at anak ni Executive Secretary Ermita sa pagka-bise gobernador ng Batangas?

***

May gayun ding isyu sa panig ng LP ni Noynoy Aquino. Mga alipores din kasi ni Gloria ang mga tiyahin at tiyuhin ni Noy na sina Lupita Aquino Kahasiwara, Tessie Aquino Oreta, Peping Cojuangco,  may-bahay niyang Tingting at Paul Aquino.

***

Mahirap paniwalaan na ang gastos na milyon-milyon ni Villar sa ads ay hindi niya babawiin kung mahalal na pangulo. Businessman ‘yong mama.

***

Sa nakaraang January survey, two percent lang daw ang tinaas ni Villar, sa kabila ng napakalaking ginastos sa propaganda, kumpara sa six percent noong Disyembre. Kung totoo, sa iba napunta ang nawala kay Noynoy?

***

Si Villar ay napilit magsalita sa harap ng committee as the whole ng senado, pero biglang tumalilis. Iniwasang makapagtanong ang mga kapuwa senador. Naku, ang Pilipinas ba ay magkaroon na naman ng presidente na ayaw matanong at magpaliwanag sa mga anomalya?

***

Nalilito na ang mga awtoridad sa paghahanap kay Ping Lacson. Hindi matiyak kung nakabalik na o nasa ibang bansa pa rin. Nagtatago kasi ayaw sapitin ang katulad ng Dacer-Corbito murder case. Berdugong-pera daw ng kaniyang mga kinalaban ang kinatatakutan?

***

50-50 percent pa rin ang pagtaya kung credible o hindi ang automation poll sa May 2010 elections.

***

Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

E-mail: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Have a comment on this article? Send us your feedback