|
STA. MESA, MAYNILA – Inaasahang magkakahigpitan ang dalawa sa tatlong contender sa pagka-mayor ng Maynila. Sina incumbent Fred Lim at Ex-Mayor Lito Atienza. Palagay naman ng iba, “dark horse” si Ave Razon.
***
Kailangan ng street vendors ang proteksyon ng gobyerno. Tulungan ang mga katulad nilang self-employed. Mailigtas ang kanilang kaunting kinikita na pinagpipistahan ng mga buwayang pulis at opisyal ng barangay.
***
Ang pangunahing layunin ng mga paaralan ay magkaloob ng edukasyon, subali’t ang plano ng mga unibersidad na magtaas ng tuition fees kung mangyayari ay tiyak maraming magiging bobo.
***
Naging huntahan na lang ang palutang na Military Junta ng Malacañang sakaling mangyari ang failure of elections. Biglang atras sa bantang people power tsunami, kasama ang mga Obispo.
***
Ang desisyon daw ng majority members ng Korte Suprema ang dapat masunod sa interpretasyon ng mga batas. Ang matuwid ay nababaluktot “dahil sa utang na loob?”
***
Pinagpipistahan ngayon ng media at mga kritiko ang senaryong nais manatili ni Gloria sa puwesto pagkaraan ng ika-30 ng Hunyo. Tinututukan ang galaw ng Comelec, Kongreso, Korte Suprema at AFP-PNP.
***
Kung ipatutupad ng Comelec ang mga patakaran sa campaign materials ng mga kandidato, tiyak na walang mahahalal na pangulo. Kasi, pasaway daw ang dalawang nangunguna sa survey.
***
Tiniyak na tuloy ang eleksyon pero ang hindi masiguro ng Comelec ay kung maiiwasan ang failure of elections. Siniguro rin ng mga alipores ng Palasyo na mananaog sa Malacañang si Ms. Arroyo pagkatapos ng kaniyang term. Naku, eh kailan nga iyon?
***
Si Ex-Energy Secretary Angelo Reyes na karaniwang may sariling driver ang Partylist leader ng mga tsuper. Si Mikey Arroyo naman na may sarili ding mga bantay ang leader ng mga guwardya.
***
Ang Masa ni Erap na hindi naturuan sa bagong sistema ng pagboto ay baka matulad sa itlog na naging penoy sa halip na balot.
***
Kung ang pera at makinarya ng administrasyon ay hindi nagagamit ni Gibo, baka nga raw may ibang “manok” ang Malacañang. Hoy, marahil hindi naman manhid ang kandidato ng Pa-La-Ka?
***
Punterya ngayon ng NP ang Hacienda Louisita ng LP ni Noynoy. Nais makabangon si Villar na sabi’y nadapa sa C-5.
***
Hindi siya “political butterfly,” sabi ni Loren Legarda. Ang kambiyo naman ng kaniyang mga kritiko, kung hindi siya paru-paro, baka paniki o “bat.”
***
Ang alegasyong political donations sa NDP administration noong mga huling taon nang 1990s ay binuhay ngayon ng Provincial Tories. Naku, bakit ngayon lang?
***
Sa halos 34 milyon na kabuuang Canadian population ngayon, humigit-kumulang sa kalahating milyon ang bilang ng mga may dugong Pinoy. Kaya naman pala sa tuwing may eleksyon, ang mga politiko sa tatlong sangay ng gobyerno ay nagkukunwaring mga maka-Filipino, eh?
***
Sa ilalim ng 2 panukalang batas sa 2 kapulungan ng US Congress tungkol sa Comprehensive Immigration Reform for Security ang Prosperity Act, kapag naging batas ay pabor sa may isang-milyong Pinoy na TNT. Malaki ang pag-asa sa integrasyon ng mga walang criminal records.
Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.
E-mail:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Have a comment on this article? Send us your feedback
|