|
LAS PIÑAS CITY – Kung ang buhay ng mga pangunahing presidentiables ay nasa kamay ng mga pinunong-lokal, ang papatay ay mga masasayang na boto ng mga hindi naturuan.
***
Ang resulta ng mga survey sa kalagitnaan ng Abril ay siyang magiging basehan kung sino kina Aquino, Villar at Estrada ang susunod na pangulo ng Pilipinas. Kapag ang hindi kukulangin sa siyam na porsiyentong kalamangan ay napanatili ng LP, si Noynoy na ang presidente.
***
Nakabawas sa popolaridad ni Villar at nagpahina kay Gibo ang paglundag sa NP ng mga kilalang personalidad ng PaLaKa.
***
Dinadaga daw ang kampo ng LP ni Noynoy. Kasi baka daw matulad sa folder scam ang pagbilang ng Comelec sa boto. Ang halagang 3.80 pesos ay naging 380.
***
Ang nais mag-lider sa kongreso ng “balut vendors” ay milyonaryo daw. Ah, madali nga namang maging bilyonaryo doon, samantalang ang kanilang kinakatawan ay patuloy sa pagsigaw ng “balut” sa kalye, kahit hating-gabi.
***
Change sa administrasyon ang sigaw ng LP. Waring mapaalis lang ang nasa Palasyo at sila ang humaliling magpapahirap sa karaniwang tao? Naku, weather-weather lang ba ang kanilang plataporma?
***
Sabi daw ni Gloria, “she wants a smooth transistion of power after June 30.” Ok ‘yan, pero bakit siya waring nagtatampo kay Heneral Jesus Verzosa ng PNP na ang nais ay tahimik, malinis at maayos na halalan?
***
Tumanggi si Villar sa alegasyong siya’y “manok” ni Gloria. Wala daw siyang mga kamag-anak na nakadikit sa administrasyon tulad ni Noynoy na nakadikit sa Palasyo. Oo nga naman, kung may Villaroyo mayroon ding Gloriaquino?
***
Kung hindi kayang parusahan, nagsawalang kibo na lang sana ang Comelec sa isyu ng labis na pag-gasta sa kampanya ng mga panguhaing presidentiables. Matutulad lang sila sa mga asong hindi marunong mangagat, puro kahol.
***
Ang kampanya ni Noynoy ay good vs evil. Poor vs rich naman ang kay Villar. Teka, sa mga kapanalig ng LP at NP ay mayroon ding good, rich and evil, ah? Kapuwa sila nakinabang sa gobyerno ni Gloria.
***
Iginiit ni Villar na galing siya sa mahirap. Sige na nga kahit marami ang hindi naniniwala.
***
“Kung malinis ang 2010 elections, sila ni Erap ang panalo,” sabi ni Jojo Binay. Kargado ang pahayag na ‘yan. Nagpupunla ba kayo ng gulo? Kung mangyari baka si Gloria pa rin ang nasa palasyo via Martial Law.
***
Haling-na-haling sa politika ang mga presidentiables at mga alipores ng Palasyo, samantalang ang sitwasyon at mga isyu sa Spratly Islands ay napapabayaan.
***
May kinalaman nga kaya sa bagong US Health care law ang hindi maka-angat na halaga ng US dollar? Hindi malayo, dahil sa pag-iimprenta ng pera para sa implementasyon ng programa. Teka, laganap daw sa US ang demanda ng mga homeowners laban sa mga bangko. Nakakalungkot.
***
Kung sa ngayon gaganapin ang Federal elections, malakas daw ang suporta sa Conservative Party ni PM Harper sa Manitoba.
***
Ang bagong minimum wage na $9.50 per hour ay pabor sa labour, pero may negatibong epekto naman sa panig ng mga negosyante.
***
Mukhang seryoso sa pagtakbong mayor ng Winnipeg si NDP-MP Judy Wasylycia-Leis. Bakit nga hindi. Maaaring madala niya sa siyudad ang natutuhan sa Ottawa. Go Judy go.
Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.
E-mail:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Have a comment on this article? Send us your feedback
|