Print E-mail
Monday, 16 August 2010 00:29
Paquito Rey Pacheco     Agosto 16 - 31, 2010
 

MLA for Inkster Kevin Lamoureux is right. “MPNP changes cause concern,” nalathala sa nakaraang isyu ng Pilipino Express. Nagpaliwanag din naman ang Manitoba Minister of Labour and Immigration, Jennifer Howard sa ginawang mga pagbabago pero halata pa rin ang paghihigpit ng MPNP sa prospective immigrants. Kitang-kita ang negatibong epekto nito sa family reunification issues ng Canada.


May mga reklamong natanggap ang pitak na ito, laban sa sumulat ng artikulo tungkol sa Folklorama (hindi iyon nalathala sa Pilipino Express). Pilantikin ko raw dahil insulto sa kumunidad. Naku, sorry po, “columnist courtesy”ang dahilan. Iyon ay sariling opinion ng sumulat at iyon ang kaniyang pananaw. Kung nag-iiwan ng hindi magandang panlasa sa inyong sensibilidad ang mga sinusulat ng kolumnista, mas mabuti ay huwag na lang basahin. May kasabihang “hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.”


May nagbubuluntaryo raw sa Folklorama para malibre lang sa pagpasok ang mga kamag-anak at kaibigan. Naku, kung mayroon man, hindi iyon ang intensyon ng karamihan. Nakita ko po ang kanilang sakripisyo. Talagang todo-todo. Pati ang mga buluntaryong performers at kanilang mga magulang ay kahanga-hanga ang spirit of volunteerism.


Agosto ng bawa’t taon ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ang pagdiriwang ay alinsunod sa Proclamation No. 1041 series of 1997, signed by former President Fidel V. Ramos.


Aba, hindi ikinahiya ni PNoy ang Filipino sa kaniyang SONA, tulad din ng unang SONA ni Erap sa Malolos. Ang mensahe nga naman ay para sa mga Pilipino. SONA ng ibang presidente ay sa wikang hiram, alang-alang daw sa diplomats. Aba, ang mga lider ng China at Russia ay walang paki-alam kung ang kanilang sinasabi ay hindi nauunawaan ng mga dignitaryo?


Inutos ni PNoy sa National Telecommunication Commision na ipatupad ang EO # 255 ni Tita Cory noong July 1987. Sa kautusan, apat na OPM (Original Pilipino Music) every hour for their musical programs ang dapat iparinig ng mga radio stations. Oo naman, kahit kasi, sa musikang-Pinoy may mga “malansang isda.”


“Boss ko kayo”, sabi ni PNoy. Ha, eh bakit ang EO 464 ay ayaw niyang bitiwan? ‘Yon ang gag order ni Gloria sa mga opisyal para hindi makadalo sa imbestigasyon. Gayon din ba ang nasa isip ni PNoy?


Tatlong foreign trips ang gagawin ni PNoy bago matapos ang 2010. Akala ko ba, “hindi muna siya bibiyahe. Aayusin muna ang mga problema ng bansa”. Ok na ba? Magsasalita raw kasi sa UN General Assembly. May maibabalita ba siyang maganda na nagawa na ng kaniyang limang-buwang gobyerno? Baka ibabaon lang ang Arroyo administration para kaawaan ng foreign community? Huwag naman. Hindi naman daw magpapatuta kay Obama. Sana nga.


Sabi pa ni PNoy, “…ang kahirapang dinaranas ng mga tao ay damang-dama ko.” Teka, naranasan kaya niya ang minsan lang kumain sa araw-araw? Nakakain na ba siya ng sisid rice? Sumasakay ba siya sa LRT at MRT? Nakaranas ba siya ng kakulangan sa tubig? Matulog sa bangketa? Nagtatanong lang po.


Agrikultura ang pundasyon sa industriyalisasyon. Kaya nasira ang local industry ng bansa, dahil ibinaba ng Pilipinas ang taripa sa industrial imports at hindi mapigilang smuggling.


Sobra-sobra raw ang bigas ng NFA na iniwan ng administrasyong Arroyo. Dapat magpasalamat kayo kay Gloria. Busisiin na lang kung sinu-sino ang komubra ng komisyon at tongpat sa importasyon.


Hindi pa ba sapat ang pitong-taong pagkabilanggo ni Sen Trillanes dahil sa kasong unbecoming of an officer? Ibinoto siya ng mahigit 11 milyong Pilipino. Ang kaniyang kaso ay nakahiga pa rin sa sala ng mga hindi halal ng mga tao. Tila disgrasya nga yata ang umiiral ngayon, hindi demokrasya.


Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

E-mail: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Have a comment on this article? Send us your feedback