Print E-mail
Wednesday, 01 September 2010 00:29
Paquito Rey Pacheco     Setyembre 1 - 15, 2010
 

Dalawang Pinoy ang deklaradong makikilahok sa nalalapit na Winnipeg City civic elections. Si Mike Pagtakhan ay maghahangad ng re-election bilang Councilor for Point Douglas Riding. Maganda ang naging record ni Mike kaya nga naging Deputy Mayor pa.


Si Lito Taruc, News Director ng Good Morning Philippines ay nagdeklara na ring kandidato sa pagka-konsehal noong Ika-26 ng Agosto para naman sa Daniel McIntyre Riding. Ang kakayahan ni Lito ay hindi na ipagtatanong pa. Halos araw-araw ay naririnig natin ang kaniyang tinig at ang kaniyang mga ginagawang pagtulong sa mga nangangailangan.


Lahat ng programa sa pamamahala ng siyudad ay pinagtitibay muna ng City Council with the leadership of the Mayor, as Chairman. Lumalaki ang ating mga pangangailangan ka-agapay ng umuunlad na Pilipino community dito sa Winnipeg, Manitoba. Marahil hindi lang dalawa ang dapat nating maging kinatawan sa konseho. Ang suporta para kay Mike Pagtakhan at Lito Taruc ay mahalaga at hindi dapat ipagwalang-bahala.


Halos apat na probinsya lang ng Canada, kabilang ang Manitoba, ang mga hindi gaanong naapektuhan ng last year’s recession. Samantala, nabalitang mabagal pa rin ang pag-usad ng economic recovery programs sa US at European communities. Apektado din ang iba pang developing countries.


Taliwas sa pangako noon ni Barak Obama. Alis-balik ngayon ang mga sundalong Kano sa Iraq. ‘Yan ang yoyo-propaganda.


Siyam ang nasawi sa naganap na hostage-taking sa Luneta noong ika-23 ng Agosto. Ang pangyayari ay maaaring ikamatay din ng tourism industry sa Pilipinas. May black eye din ang foreign investment campaign ng gobyerno.


Nangyari na ang sana’y hindi dapat mangyari. Ang blame game kung sino ang dapat bagsakan ng sisi ay hindi na bubuhay sa mga nasawi. Tama na. Sobra na ang media exposure na magdudulot lamang ng negatibong epekto sa bansa at sa sambayanang Pilipino.


Dahil sa madugong hostage-taking, sabi ni Erap, hindi niya tinuloy ang kaniyang planong magpaayos ng tuhod sa Hong Kong. Pa’no daw siya makakatakbo sakaling habulin ng mga demonstrador doon? Naku. Hindi ordinaryong joke ‘yon – kargado.


Halos tatlong-buwan pa lamang ng Aquino government, si PNoy ay may napako nang mga pangako.

1. Sabi’y hindi priyoridad ang foreign trips.

2. Wala daw political patronage at,

3. Hindi pakikinggan ang relative’s recommendation sa pagtatalaga sa puwesto. Teka, wala bang kinalaman ang kaniyang mga kapatid kaya si Mang Bert Romulo ay nakapuwesto pa rin sa DFA?


Independent foreign policy ang kailangan ng Pilipinas; hindi ang pagpapatuta kay Kano. Sakaling magselos ang China, maaapektuhan ang trade between Beijing and Manila. Hindi rin malayong maging mitsa ng madugong komprontasyon sa Spratly Islands.


Ang nabalitang adyenda ng US trip ni PNoy, eh, halos katulad din ng mga dahilan ng mga paglalakbay noon ni Gloria. May pipirmahang kontrata na maaari namang iba ang pumirma.


Tumanggi ang Malacañang sa panukala ni Senate Pres. Juan Ponce Enrile na tapyasan ang intelligence fund, na pork barrel ng presidente para maging halimbawa sa ibang ahensya na plano ding bawasan. Pero ayaw, eh.


Ang sabi ni PNoy “kayo ang boss ko.” Ah, kaya nga ba ang “boss” na mga taxpayer ang sumasagot sa mga biyahe mo? Gloria pa rin ang dating.


Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

E-mail: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Have a comment on this article? Send us your feedback