|
Nasa Pilipinas para sa tatlong araw na visit, Setyembre 16 hanggang 18 ang Citizenship, Immigration and Multiculturalism Minister Jason Kenney. Layunin daw ang Canada’s increasing “intake” of skilled immigrants. Magandang balita pero dapat mabago ang mabagal at pangit na proseso.
Tag-ulan ngayon sa Pilipinas kaya maraming talangka. Dito sa Winnipeg, dahil panahon ng civic election, marami rin daw talangkang-Pinoy. Hinihila pababa sina Lito Taruc na kandidatong councillor for Daniel McIntyre and Mike Pagtakhan for Point Douglas wards.
Mukhang malalim ang laro ng China ngayon. Sinlalim ng dagat na nilubugan ng submarine at nagtanim ng poste na may bandera sa South China Sea. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang umaangkin sa Kalayaan group of islands, kaya si Kano ay waring interesado.
Nanawagan si Barack Obama para sa summit ng ASEAN leaders sa New York sa ika-24 ng Setyembre. May katwiran si PNnoy na kanselahin ang pag- punta sa Vietnam at Indonesya.
Katulad ni Gloria noon. Atat- na-atat si PNoy na makausap nang sarilinan si US President Obama. Dinadahilan ang UN General Assembly meeting. Mababago ba ng kaniyang diskurso doon ang larawang nangyari sa Luneta noong August 23, na nakita ng buong mundo?
Malinaw na pumalpak ang napiling mga magagaling na opisyal ng administrasyon. Kung marunong mahiya, tumigil na sa turo-turo at magbitiw na lang sa katungkulan.
Sino kaya ang mga trusted officials ng gobyernong Aquino na ayon sa retiradong Arsobispo, Oscar Cruz, eh, tumatanggap ng dalawang milyong pisong jueteng payola kada buwan? Naku, dapat papangalanan.
Ang tatlong boss sa communications department at dalawa sa DILG ay maaaring maging karagdagang problema ng gobyernong Aquino?
Sabi ni Presidential spokesperson, Edwin Lacierda, wala daw paksiyon ang Malacañang communications agents na nabalitang nagwawakuwakan. Mayroon, ayon kay Budget Secretary Floencio “Butch” Abad, ang pangkat ng Balay at Samar.
Ang Balay ay nasa Cubao Araneta-Roxas Compound, paksyon ng Noy-Mar campaign. Ang nasa Samar ay pangkat ng lawyers for Noy-Bi with Executive Secretary Paquito Ochoa at mga malapit sa pamilya-Aquino.
Kung sa panahon ng kampanya, sina PNoy at Jesse Robredo, eh, hindi na magkasundo, bakit itinalaga sa DILG? Si Jesse daw kasi, eh, batang-Balay?
Hindi raw natatanggap ng mga mahistrado ng korte ang kanilang mga allowances and benefits. Kaya naman pala mabagal ang pag-ikot ng wheel of justice, eh. Aba, bumibilis din ang ikot kung may ibang nagbibigay ng langis?
Abangan kung sa panukalang impeachment kay Ombudsman Merci Gutierrez ay tutulungan siya ng kaniyang mga lolo’t lola sa Korte Suprema. Tama si Sen Recto, ang pera ng GSIS ay sa Pilipinas dapat inegosyo; hindi sa ibang bansa. Halimbawa ang $600 million na ang $400 million ay ipinamahala sa Anondi of France at ang $200 million ay sa Pimco Equity of California, USA.
Hangad ng bagong DA Sec. Proceso Alcala na mabalik sa kaniyang departamento ang pamamahala sa mga opisyal at extension workers of agriculture and fisheries. Ang nabanggit na mga tauhan ay natalaga sa pamahalaang lokal per Local Government Code of 1991. Nabanggit ko na rin noon sa pitak na ito ang epekto. Napabayaan ang pangangalaga sa mga magsasaka. Ang DA secretary ay “walang iniwan sa isang heneral na walang mga sundalo.”
Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.
E-mail:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Have a comment on this article? Send us your feedback
|