Published on

    SlutWalk

 

 

“Women should avoid dressing like sluts in order not to be victimized.” Ito ang naging comment ng isang Toronto Police noong January 24, 2011 kaugnay ng isang kaso ng sexual assault sa isang babae. Dahil sa statement na ito ay nag-react ang mga feministang grupo at mga aktibista na naging dahilan sa pagbuo ang isang movement na tinawag na SlutWalk.

Ayon sa official webpage ng SlutWalk Toronto:

When we first heard about the Toronto Police officer labeling women and people most at risk of sexual assault as “sluts,” we thought about making noise and demanding for more than an apology. We have a constitutional right to a freedom of expression and a freedom of assembly so we’re using it. Putting that into action, we wanted to go right to Toronto Police Service’s front door at 40 College St. with impassioned numbers uniting against these damaging stereotypes. Thus SlutWalk was born and began with SlutWalk Toronto. We are taking our frustration to the streets – literally. Toronto’s Walk was the first and was incredibly successful with an estimated 3,000-4,000 people joining us on the street and many others supporting us from afar.

Ang Slutwalk Toronto ay matagumpay na ginanap noong April 3, 2011. Dahil dito, maraming lugar sa Canada at sa iba’t ibang bansa ang na-inspire kaya’t nagkaroon din ng mga similar movements sa Vancouver, Calgary, Boston, Chicago, India at London. Ang Winnipeg ay hindi nahuhuli dahil may schedule na ng Slutwalk Winnipeg sa darating na Oktubre.

May katuwiran ang nagtatag ng movement na ito. Hindi nga naman dapat sisihin ang mga biktima ng krimen partikular ang mga biktima ng kahalayan o panggagahasa dahil sa kanilang anyo o suot. Samakatuwid, hindi dapat bigyan ng justification ang pambabastos ng tao dahil sa naudyukan siya ng itsura o anyo ng biktima para gawin ang karahasan.

Pero sa aking palagay, dapat ding maging maingat ang mga kababaihan sa pagsusuot o hindi pagsusuot ng damit lalu na’t nasa public places. Dapat ding maging angkop ang kasuotan ng lalake’t babae sa pupuntahan nilang lugar o okasyon. Halimbawa, dapat ka bang magsuot ng halos litaw na ang kaluluwa mo kapag sisimba ka? Magsusuot ka ba ng panty lang o brief kapag papasok ka sa opisina? Pero kung nasa beach ka, walang problema, maghubad ka pa!

Hindi sa nagiging sarkastiko ako sa isyung ng pagdadamit, pero magpakatotoo tayo, alam naman natin ang itsura ng damit ng pokpok kumpara sa babaeng maayos, hindi ba? Alam nating lahat kung ang damit ay talagang nang-aakit o elegante ang dating. Huwag nating bigyan ng katuwiran ang mahalay na kasuotan dahil malaki ang posibilidad na mag-anyaya ito ng pagnanasa mula sa mga taong hindi na makatiis. Ang resulta, maaring magahasa o mabastos si Inday! Subukan mong magsuot ng halos walang saplot at maglakad ka ng mga bandang alas onse ng gabi sa downtown. Tingnan ko lang kung saan ka pupulutin.

Hindi ko binibigyan ng katuwiran ang kamunduhan ng panggagahasa. Ang ibig ko lang ipunto ay kailangan ding mag-ingat ang mga kababaihan sa pagsusuot ng damit lalu na’t nasa public na lugar sila. Kung nasa sarili kang bahay, puwes, maghubo ka pa, walang aawat sa yo.

Iginagalang ko ang mga kababaihan at dahil dito ay gusto ko silang mag-ingat. Nasa sa inyo kung paano n’yo dadalhin ang sarili ninyo nang maayos, maganda at kaakit-akit. Anyway, para sa akin, mas nakakabighani pa rin ang babaeng disente kung manamit. Hindi ako na-iimpress sa mga babaeng kung manamit ay labas na ang kaluluwa at lumuluwa na ang bundok ng tralala.

Isa pang dapat pagtuunan ng pansin ng SlutWalk movement ay ang paggamit ng imahe ng kababaihan sa mga advertisements para maibenta ang mga pang-machong produkto. Natatandaan n’yo ba ang patalastas na White Castle Whiskey na may babaeng halos hubo na nakasakay sa puting kabayo? Eh, ang mga labels ng mga energy drinks na may mga hubad na larawan ng babae? Ang mga car shows na may mga naka-display na hubad na babae sa tabi ng mga kotse? Bakit ginagamit ng mga advertisers ang mga babae para lang maging patok sa tao ang kanilang produkto? Sa palagay ko, dapat idagdag ito sa mga isyung ipinaglalaban ng Slutwalk para sa mas malalim at makabuluhang pakikibaka sa kapakanan at karapatan ng mga kababaihan.

Slutwalk sa Winnipeg? Susuporta ba ako? Oo naman, dahil tutol ako sa karahasan, lalu na sa mga kababaihan. Bago tayo sumama sa walk, tingnan muna nating mabuti ang ating pananamit, humarap sa salamin at tanungin ang sarili: Kabastus-bastos ba ang suot ko?

Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback