
Opinions
![]() |
E-mail from Dubai |
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng tagasubaybay ng ating kolum, dito man sa Canada at sa ibang bahagi ng mundo. Special mention sa mga bumati sa akin sa St. Peter’s Parish na laging naka-antabay sa ating kolum. Sabi ko nga sa kanila, ang sinusulat ko ay naka-base sa buhay nating lahat. Kayong lahat ang inspirasyon ko sa patuloy kong pagsusulat. Maliban sa Winnipeg, binabasa rin ng ating mga kababayan ang Batang North End sa pamamagitan ng Pilipino Express website. Kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa isa nating kababayan na nagbabalak ding mag-migrate dito sa Winnipeg kasama ang pamilya. Mayroon siyang katanungan tungkol sa buhay nila sa Middle East kumpara sa patutunguhan nilang bagong bansa o bagong tahanan kung saka-sakali. Nanghingi ako ng pahintulot sa kaniya na ilathala ang kaniyang email. Bukod dito, nangalap din ako ng mga opinyon mula sa ating mga kababayan base sa liham ng ating tagasubaybay. Narito ang kaniyang e-mail:
Greetings from Dubai!
Nabasa ko ang article mo tungkol sa buhay sa Dubai at sa Winnipeg. Nakakarelate kami tungkol sa buhay sa Middle East at nagpaplano rin na mag-migrate sa Manitoba para sa future din ng anak namin! Maganda naman ang trabaho namin dito pero, syempre, tipid din. If you will compare ang buhay mo dito noon at sa Winnipeg ngayon, mas maganda ba ang experience kesa nung andito ka sa Middle East? Gusto ko lang makakuha ng feedbacks sa mga ex-Middle East kasi malaking desisyon talaga ang pag-migrate. Mahirap lang din kasi dito. Kawawa ang mga bata; para bang wala freedom! Sunod ka lang sa lahat kasi kapag right or wrong ang lokal, sila pa rin ang panalo. Hope to hear feedbacks from you and hopefully makarating din kami diyan at mag-umpisa ulit! Maraming salamat!
Regards,
Clair Ann
Heto naman ang aking ipinakalat na tanong via email na mabilis na tinugon ng ating mga kababayan:
Narito ang iba’t-ibang opinyon ng ating mga kababayan:
Sa akin, oo. Lilipat pa rin ako sa Winnipeg kasi sa Dubai maganda nga ang kita mo pero wala naman freedom ang tao doon, ‘di gaya dito sa Winnipeg. Malamig nga pero kahit minimum wage lang ay kaya pa ring bilhin ang gusto sa pagsisikap, tiyaga at pagtitipid. At isa pa, sa Dubai, sa pagkaalam ko, hindi ka puwedeng mag-acquire ng properties. Eh, dito basta may trabaho kang stable ay puwede kang bumili ng bahay. So for short, freedom of speech, freedom to be you and freedom to buy your properties. That’s my opinion. – Dia Delgado
Lipat pa rin kasi mas maraming benefits dito sa Winnipeg. At alam natin niyan, hindi ko na dapat pang kailangan sabihin. Salamat. –Nelly Palima
Dapat ang thinking nila ay long term. Compare nila ang mga benefits na makukuha nila at ng mga anak nila sa Canada hanggang sa pagtanda nila. I’m not really familiar with how life is in Dubai. So I can’t really compare. But based dun sa sinabi na almost walang freedom lalu na ang mga bata, dito na ’ko sa Winnipeg. May health care pa, maraming benefits, retirement benefits, maganda ang economy. Lahat maganda – except for the weather na ok lang naman as long as you wear the proper clothes naman, di ba? Kung nakaya niya sa Dubai, kaya niya ring umasenso dito. Sana lang hindi siya yung taong takot magsimula ulit. Maraming Pilipino rin dito, hindi sila malulungkot. So, sa akin, dito na ’ko sa Winnipeg kesa Dubai.– Mitchelle Santiago
Opinyon ko? Ipon sila ng marami para pag dating nila sa Winnipeg, may pera sila at di aasa sa kamag-anak. – Ley Navarro
Depende kung ano ang priority nila sa buhay. Depende kung ano yung mga benefits na tinatanggap nila sa Dubai. May mga kamag-anak ba sila doon at dito sa Winnipeg? Importante ba sa kanila na mapalapit sa mga relatives nila? Yung education doon, kumusta? May natatanggap ba silang benefits from government? Ok ba yung environment para sa mga anak nila? May security ba sila doon in the long run, in terms of pension, etc. Its a matter of long term benefits ’yon kuya. Nasa kanila kung ano ang priorities nila and goals in the future. – Rachelle Jutiz
Sa aking palagay, kung mayroon din lang silang pagkakataon na makapunta dito sa Winnipeg sa pamamagitan ng nominee program ay akin na rin lang tutuparin. Ito ay sa kadahilanan na:
Una; mayroon silang pagkakataon maging permanent resident at kinalaunan ay maging citizen dito at manirahan nang habambuhay.
Pangalawa; maaari nilang ipetisyon, kung sakali, ang kanilang kamag anak.
Pangatlo; kung sila ay may maganda nang kita sa Dubai, maaari naman nilang ipuhunan ito dito sa pamamagitan ng pagkuha ng kurso na magagamit nila sa paghanap ng trabaho – o puwede rin, ’wag na lang. Pagkatapos ng kontrata sa Dubai eh, umuwi na lang at magnegosyo. Tutal, may puhunan na rin lang, eheh. – Alvin Patriarca
I think it all depends on your long-term plans. We know for a fact na kapag sa Dubai, it doesn’t provide you with long-term options – trabaho lang… Besides, kumpara siguro sa culture, Winnipeg would be able to provide better regional adjustment compared to Dubai… ’Yung mga opportunities na available dito sa Winnipeg or Canada in terms of children’s education ay hindi puwedeng ipantay sa Dubai – Mrs. Urbano
Sa aking opinion kuya, hindi na. Kung settled ka na, haharap ka na naman sa panibagong pakikibaka sa buhay, especially kung ang trabaho mo ay maayos na. Napakahirap sa lahat ang mag-umpisa na kasama ang buo mong pamilya dahil di ka puwede mag-fail. Although, syempre, may mga advantages din naman talaga ang mamuhay dito, katulad ng mga privileges ng mga bata. So nasa sa kanila pa rin ang desisyon. Timbangin ang mga bagay-bagay para walang regrets. – Wynona E. Perez
Mas maganda dito sa Winnipeg lalo na kung ang pag-uusapan ay ang future ng mga bata. – Arnel Sernadilla
Hi Bro! Canada is the best place on earth to live and nurture your family. Mahalaga ring buo ang pamilya at mayroon kang freedom. But the most important is the future of our children. Sa tamang patnubay, everything will be in order. – Bro. Vic Lopez
My husband had worked with Fujairah Rock for 10 years before we came to Winnipeg in 1994. My husband came here (in Winnipeg) six months ahead of us, while leaving behind our four young children with me in the Philippines. In order to survive and support us back home, he took a housekeeping job, taking care of the apartment building, converted into a boarding house for mentally disabled people for $200/month. My inaanak also came from Dubai as an Engineer in one of the biggest companies there. He came to Winnipeg along with his wife and six children, stayed with a distant relative for three days, rented a house next to us for $900.00 per month plus the utilities. Got a job after a month as manufacturing worker for few months, then an electrician helper while upgrading his education at the same time. After finishing a course in safety management, got a job in a good company as Safety Officer. Purchased his own beginner’s house, after a year bought worth $300,000 plus of house. It’s been 3 years now that he is doing auditing jobs in North America.
My husband’s nephew, who is a Senior Engineer in Middle East, came along with his wife (physiotherapist) and two sons in October last year. Got a job as Structural Designer in March and his wife in a manufacturing company. Now they are already looking for their own place, either to buy or rent, whichever is possible. - Remy Tabernero
Clair, ngayon pa lang ay mainit na pagtanggap na ang ipinaabot sa iyo ng ating mga kababayan. Biruin mo, isang e-mail ko lang sa kanila ay nandiyan na sila para magbigay ng payo. Pero nasa inyo pa ring mag-asawa at buong pamilya ang huling baraha. Kayo ang magdedesisyon kung ano ba talaga ang nasa puso ninyo. Sabi ko nga sa mga nauna kong artikulo, ang kaligayahan ng tao ay wala sa lugar – kundi ito ay nasa puso. Kahit saan man tayo naroroon, ang mahalaga ay masaya tayo. Dito man sa Winnipeg o diyan man sa Dubai.
Kung magdedesisyon kayong mag-migrate dito sa Winnipeg ay bukas palad ang Filipino community para tanggapin kayo. Magtutulungan tayo sa iba’t ibang paraan tulad ng pagbibigay ng direksyon at payo.
Sana ay nakatulong ang mga opinyon ng ating mga kababayan sa inyong pagdedesisyon. At higit sa lahat, isa lang ang katapat ng tumpak na desisyon – ang panalangin. I-offer ninyong pamilya ang planong ito sa ating Panginoon at tiyak na mayroon Siyang magandang tugon.
Sa lahat ng mga nagbigay ng opinyon, maraming, maraming salamat po.
Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).