
Opinions
![]() |
Basketball champs |
![]() |
|
Tyndall Thunder: back row (l-r) Coach Lito, Jotae, Andre, Coach Eugene, Alain, Tyren, Kyle, Freedom, Jerwin, Coach Stephen; Front row (l-r) Kristofer, John, Grant, Aldrin, Warren |
|
![]() |
|
Victory party! |
“Ginebra! Ginebra!” - Ito ang sigaw ko noon.
“Who are we? Thunder!” - Ito naman ang sigaw ko ngayon.
Noong kasikatan ng Ginebra, ibang feeling ang nararamdaman namin ng tropa kapag pinapanood namin ang laban. Matalo o manalo, purong Ginebra ang dugo namin. Napakasarap ng pakiramdam kapag panalo ang Ginebra. Pero kapag talo, halos hindi kami makausap. Malungkot, pero hindi nawawala ang loyalty namin sa paboritong team.
Muling nagbalik ang basketball fever ko ng sumali sa basketball league ang aking panganay na si Freedom under Winnipeg Minor Basketball Association (WMBA). Parang nasa ULTRA o Araneta Coliseum ang feeling ko kapag naglalaro ang Tyndall Thunder. Masarap panoorin ang paboritong team, manalo man o matalo.
Katulad ko, ramdam ko ang matinding suporta ng bawat magulang sa aming team. Noong una ay hindi halos kami magkakakilala ng mga parents, pero noong lumaon ay nabuo rin ang aming pagkakaibigan sa pamamagitan ng mga batang players.
Unang sabak ng Tyndall Thunder ay nakakatuwa. Maraming bloopers tulad ng pag-shoot sa goal ng kalaban at iba pang mga hindi organisadong moves. Pero sa tulong ng magagaling na volunteer coaches/parents na sina Eugene, Lito at Stephen ay kitang-kita ang improvement ng team sa bawat laban.
Isa sa mga naging paborito kong players ng aming team ay si Grant (No. 3). Maliit lang siya pero ibang klase ang stamina, galaw at diskarte sa court. Hindi malilimutan ng mag-shoot si Grant ng nakaluhod na huli kong nakita noong panahon pa ni Jawo.
Sa mga regular audience naman ay humanga ako sa Lolo ni Grant na 100% ang attendance sa bawat laro ng apo. Tuwing matatapos ang laro ay mayroon kaming casual na kuwentuhan tungkol sa katatapos na game. Masaya siyempre kapag panalo, pero kapag talo ay marami kaming puna pero sa kabila nito ay lagi naming ini-encourage ang bawa’t players na they did really good.
Ang kaibahan ng aking feeling noong panahon ng Ginebra at ngayon ay ang pag-define ko sa salitang panalo. Noon, literal ang definition ko sa panalo. Pero ngayon, ang pagiging panalo base sa aking karanasan bilang Tatay ng isa sa mga players ay ang pagbibigay ng best sa bawat game. Ang sabi nga, you are always a winner when you give your best.
Noon, napipikon ako kapag talo ang Ginebra – halos gusto kong makipagsuntukan. Pero ngayon, na-inspire ako sa mga bata dahil sa kanilang attitude sa pagtanggap ng anumang resulta ng game – talo man o panalo. Gusto kong pasalamatan si Coach Eugene na nagturo sa mga bata hindi lamang ng basketball skills kundi ng tamang attitude sa game. Sabi nga niya sa kaniyang email sa akin: “Just to let you know that this team is by far the best team that I had the privilege of coaching. Our team didn’t have the tallest, fastest, highest scoring team this season but what this team had was determination and hard work at each and every game that we played in. Not to mention the excellent help from Coach Lito and Coach Stephen.
To me, seeing these kids improve their basketball skills and watching their face light up when they get their first basket in is priceless and worth all the effort. The kids showed respect to one another and especially towards their coaches. Each one gave their very best at practices and at each and every game.
Some of our players got injured during the game but after recovering from their injury, they requested to be put back into the game. That’s pure heart and determination which is the strength of our team. And that’s how we managed to win 4 straight games in a row and played really well against the better teams in the league.”
Obvious naman na hindi naging champion ang aming team, pero sa aming mga magulang, panalo pa rin ang mga batang ito dahil sa karanasan at pagkakaibigan na nabuo nila sa pamamagitan ng pagsali sa liga.
Nakakatuwang makita ang mga bata na nagiging bahagi ng anumang uri ng sports. Napatunayan ko na dito nabubuo ang confidence nila. Dito sila natututong makisalamuha at siyempre kung paano tanggapin ang tagumpay at minsan ay pagkatalo. Sa pamamagitan nito ay nagiging handa sila sa pagharap sa buhay – sa pagtanggap at pagkakaroon ng tamang attitude sa mga challenges ng buhay.
Ang buhay ay parang isang liga. May panahon na panalo at talo. Pero nasa ating diskarte kung paano natin haharapin ang anumang dumating sa ating buhay.
‘Lika na, basketball na tayo!
Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).