Print E-mail
Thursday, 01 December 2011 00:15

    Bus challenge: No to fare hike!

Madalas kaming mag-kuwentuhan ni Kuya Jo tungkol sa araw-araw naming bus adventure. Busmate (classmate sa bus) ko si Kuya Jo, isang veteran bus rider na katulad ko ay araw-araw na kumakayod patungong downtown para maghanap-buhay.

Araw-araw, panalangin namin at ng iba pang mga regular bus riders na makahanap ng mauupuan o matatayuan sa loob ng siksikang Downtown Express bus. Okay lang sana kahit nakatayo basta’t may lugar, pero ang masakit dito, nakatayo ka na nga ay halos magkapalit-palit pa kayo ng mukha ng iba pang pasahero.

Ganito rin ang sentimyento ng mga office mates kong sumasakay ng bus araw-araw. “It’s so stressful!” wika pa ng aking mga ka-opisina. Tama nga naman, nakaka-buwisit (kolokyal kong translation ng stress), lalu’t araw-araw kang sasagupa ng ganitong klaseng bus challenge. Salamat kay Sam Katz at sa mga mahuhusay na konsehal sa napaka-efficient na serbisyo ninyo sa taumbayan. Buwisit!

May bonus pa ang city government, dahil sa kabila ng hindi convenient na transit service ay nagpanukala pa sila na taasan ang ating pamasahe. Tama, gusto ni Uncle Sam and friends na taasan ang inyong pamasahe!

Ang Winnipeg Transit ay operated ng City of Winnipeg. Ang Mayor at mga konsehal ay umuugit ng mga mga polisiya para sa pagpapatupad ng mga programs related sa transportation. Kasama na rito ang ambisyosong Rapid Transit Project na nangangailangan ng humigit-kumulang na $300 million para maipatupad. Nagtutulong ang provincial government at city para sa proyektong ito. Ang problema wala palang pera ang city!

Dahil ubod ng talino ng mayor at ng majority ng mga konsehal, lalung-lalu na ang mga miyembro ng EPC (Executive Policy Committee) ay nagpanukala si Councillor Justin Swandel at Russ Wyatt para kumuha na naman ng pera sa publiko para matustusan ang minamadaling Rapid Transit Project. The message being sent was clearly, “Okay transit people, you want rapid transit? You can pay for it.” Hiniram ko muna ang linyang ito sa e-mail sa akin ni Councillor Jenny Gerbasi na isa sa mga tumutol para sa fare hike.

Again, I would like to share a bit of Councillor Gerbasi’s email:

“As council was debating a proposed five cent fare increase… things started to get bizarre. Councillors Swandel and Wyatt moved a motion which amended the proposed five cent transit fare increase to create a 25 cent increase that would be used to fund rapid transit.

The fare increase did pass by a vote of 8 to 6…

It is unfortunate that majority of city council is unaware of the impact of sudden and excessive fare increases on the lives of ordinary people. Single mothers, working poor and those who are struggling to get by have just had a major kick in the stomach.”

Alam kong gusto ninyong malaman kung sinu-sino ang nagsabwatan para pahirapan ang taumbayan, eto sila: These are your elected city officials who voted in favour of the bus fare hike: Mayor Sam Katz, Councillors Jeff Browaty (North Kildonan), Paula Havixbeck (Charleswood), Thomas Steen (Elmwood), Justin Swandel (St. Norbert), Dan Vandal (St. Boniface), Russ Wyatt (Transcona) and Grant Nordman (St. Charles).

Ang mga tumutol naman ay ang mga sumusunod. These are the councillors who have the conscience of voting against the fare hike: Councillors Jenny Gerbasi (Fort Rouge – East Fort Garry), Ross Eadie (Mynarski), Harvey Smith (Daniel McIntyre), John Orlikow (River Heights), Devi Sharma (Old Kildonan) at ang ating kababayan na si Mike Pagtakhan (Point Douglas).

What happens now? Ano ngayon ang mangyayari?

Hintayin natin ang desiyon ng Provincial Government kung papayag ba sila sa bus fare hike ng konseho na intended for Rapid Transit Projects. Habang sila naman ay mag-iisip ng iba pang paraan para mapondohan ang project na ito. Sana, pag-aralan nang husto ng probinsya para maiwasan ang fare hike. Palagay ko, hindi pa tapos ang laban kay Uncle Sam and friends, babalikan ka namin.

Puwede na nating kalampagin ang ating mga pogi at magagandang MLA! Sana hindi lang kayo magpainit ng puwit sa legislative sa halip ay magka-boses kayo para sa kapakanan ng tao, this time para sa mga pasahero. Teka, marunong ba kayong mag-bus? Isa lang kasi ang kilala kong public official na sumasakay ng bus, si Ross Eadie.

Anyway, sana minsan, makasakay ko sa bus si Sam Katz at ang iba pang mga konsehal para masiko ko naman sila, kahit paano makakabawi ako!

I invite the Mayor and the Councillors to take a bus to work so that they will experience the same bus challenge as we do.

Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata- Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback