
Opinions
![]() |
$3,000 grant para sa repair ng bahay mo |
ni Noel Lapuz
Tuwing magkukuwentuhan kami ni Atty. JB Casares ay lagi akong nakakakuha ng mga mahahalagang impormasyon at ideas, hindi lamang kaugnay ng mga umiiral na batas dito sa Canada at Pilipinas, kundi ang pag-aanalisa ng mga kasalukuyang trend at social norms.
Kasama ang tropa ng Diverse Industries Ltd. na sina Aldous Guzman, Ann Esteban at ang inyong lingkod ay masaya kaming nagbalitaktakan sa gabay ng expertise sa batas ni Atty. JB Casares. Abangan ninyo ang aking regular na programa sa social media kasama ang mahusay nating kababayang abogado na kung saan makakakuwentuhan natin siya tungkol sa mga importanteng bagay na dapat nating malaman bilang mga Pinoy sa Canada.
Speaking of things that we should know, alam n’yo ba na may programa ang City of Winnipeg na tumutulong sa pagpapa-repair ng ating mga bahay? Maaari kayong makakuha ng up to $3,000 dollars na grant, subject to conditions, syempre.
Kung ikaw ay nakatira sa medyo nakakaangat na neighbourhood ay hindi ka kasali dito. Natural lang na ang programang ito ay para tumulong sa mga pamilyang nangangailangan. Ito ay bahagi ng Homelessness Partnering Strategy ng city at ng federal government.
Kung kayo ay first time home buyer ay maaari ninyong i-consider ang mga neighbourhoods na may mga programang tulad nito. Naniniwala ako na isa sa mga epektibong paraan to build peaceful and safe communities ay sa pamamagitan ng pagpuno nito ng mga maayos na pamilya. Unti-unti, kapag napuno ng mabubuting mamamayan ang ating mga komunidad ay tuloy-tuloy na ang pagkakaroon ng kaayusan at katahimikan.
Heto ang mga impormasyon mula sa City of Winnipeg:
The City of Winnipeg has established the Minimum Home Repair Program (MHRP) to address small emergency repairs for owner-occupied housing within designated areas.
Grants are offered on a “one-time only” basis to qualifying properties and, regardless of ownership changes, may not be received more than once.
To qualify for a Minimum Home Repair Program grant,
A cheque is issued for the grant amount upon completion of the work, and both the property owner and the contractor are identified as payees on the cheque. In this way, the owner can simply sign over the cheque to the contractor once work is satisfactorily completed.
Kung may tanong kayo tungkol sa programang ito ay puwede kayong mag-email sa akin at batangnorthendwpg@gmail.com o tumawag sa 311.
Naglilingkod po!
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.