|
|
| Monday, 01 November 2010 00:00 | |||||
Mayroon kilala ba kayong mga maiinitin ang ulo, yong pabigla-biglang magalit? Ang sabi sa biblia sa Kawikaan 14:17: “ang taong mainitin ang ulo ay nakakagawa ng hindi dapat.” Ilang kaibigan na ba natin ang nawala dahil sa init ng ating ulo? Ilang beses na ba nating nasaktan ang damdamin ng ating mahal sa buhay dahil sa init ng ating ulo? Sa halip na naging paki-pakinabang ang ilang mga panahon, ilang araw na ba ang ating nasira dahil sa init ng ating ulo? Sinakop ni Alexander the Great ang mundo pero hindi niya nagupo ang kaniyang pagiging magagalitin. Si Cletus ay isang heneral sa army na kaibigan ni Alexander. Isang beses, nalasing si Cletus at tinuya niya si Alexander sa harapan ng kaniyang kaniyang mga tauhan. Uminit ang ulo ni Alexander at walang sabi-sabi, kumuha ito ng sibat at inakma niya ito kay Cletus. Gusto lang sana niyang takutin ito pero laking gulat niyang napatay niya pala ang kaniyang matalik na kaibigan. Dahil dito, sising sisi si Alexander at nagtangka itong magpakamatay. Ayon sa kasaysayan, nakadama ng matinding kaulungkutan si Alexander at nahiga lamang siya sa kama ng ilang araw at patuloy na tinatawag ang kaniyang kaibigang naglaho na dahil sa kaniyang pagiging magagalitin. Noong spring ng 1894, ang team na Baltimore Orioles ay pumunta sa Boston para maglaro ng baseball. Pero si John McGraw ng Orioles ay nakipag-away sa isang baseman ng Boston. Sa loob lamang ng ilang minuto, lahat ng manlalaro ng dalawang team ay sumama na rin sa away. At hindi natagal, maging ang mga fans ng dalawang team na nasa grandstand ay nag-away-away na rin. May isang nagsunog sa grandstand at ang buong park ay nasunog. At hindi lang iyan, ang sunog na ito ay kumalat sa ilang daang bahay. Ang lahat ng ito ay dahil sa ilang tao na nagpadaig sa kanilang galit. Maging sa biblia, may kuwento tungkol sa isang lalaki na nagupo ng kaniyang galit. Ang lalaking ito ay si Cain. Siya at ang kaniyang kapatid ay parehong naghandog ng alay sa Diyos. Nasiyahan ang Diyos kay Abel at sa kaniyang handog pero hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Naniniwala akong ito ay dahil hindi binigay ni Cain ang kaniyang “the best” sa Diyos. Hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng kaniyang galit. Sa halip na magpakumbaba sa Diyos at matuto sa kaniyang mali, nagpatuloy siya sa kaniyang galit at hinayaan niya itong manatili sa kaniyang puso. At isang araw, nilapitan niya si Abel. Niyaya niya itong mamasya. Pagdating nila sa kabukiran, pinatay niya ang kaniyang kapatid. Dahil sa galit na hinayaan niya manatili sa kaniyang puso, naging isang mamamatay tao si Cain at buong buhay niya itong pinagsisihan Ang sabi sa biblia sa Kawikaan 15:18 “Ang mainit na ulo ay humahantong sa away.” Kilala sina Gilbert at Sullivan sa larangan ng musika. Nakagawa sila ng 14 opera. Pero ang malungkot dito, galit sila sa isa’t isa. Nagsimula ang problema noong umorder si Sullivan ng carpet para sa teatrong binili nila. Noong nakita ni Gilbert ang bill, nagalit siya kay Sullivan. Pareho silang hindi makapagpiil ng kanilang galit at humantong pa sa korte ang kanilang away. At hindi na sila nakipagusap sa isa’t isa mula noon. Kapag sumulat ng musika si Sullivan para sa isang production, padadala niya na lamang ito kay Gilbert. Kapag sumulat naman si Gilbert ng mga salita para sa musika, ipadadala na lang din niya iyon kay Sullivan sa paghulog sa mailbox. Isang beses, napilitan silang magsama sa isang palabas pero tumayo silang malayo ang agwat sa isa’t isa at nag-bow sila sa magkaibang direksyon para hindi magtagpo ang kanilang paningin. Tsk, tsk, tsk. Marunong silang gumawa ng magandang musika pero hindi sila marunong magpigil ng kanilang galit. Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. [Worship Service: Sundays 8:45 a.m. (Tagalog) & 10:30 a.m.] and host of the radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478. Have a comment on this article? Send us your feedback.
|



