Published on

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosuePambihirang pag-big

ni Junie Josue

Alam n’yo ba na ang pag-ibig ng Diyos ay walang kondisyon na siya nating tinatawag na biyaya. Ang biyaya ay hindi iniisip kung karapat-dapat tayo o hindi sa pag-ibig ng Diyos. Ang biyaya ay ang pagbibigay ng Diyos ng kapatawaran, habag at pag-ibig nang walang kabayaran o kapalit na inaasahan. Sa isang nobelang sinulat ni Charles Dickens na may pamagat na A Tale of Two Cities kinuwento doon ang tungkol sa dalawang lalaki na sina Sydney Carton at Charles Darnay. Magkakilala sila pero hindi sila magkamag-anak. Malaki ang pagkakahawig nila at iisa ang babaeng iniibig nila. Si Lucie ang babaing ito.

Si Charles ang pinili ni Lucie. Pero si Charles ay ikinulong at sinentensiyahan ng kamatayan. Si Sydney ang nagpanggap na si Charles at siya ang umako ng kasalanan ni Charles. Si Sydney ang naging bilanggo at napatawan ng kamatayan. Marami ang nainiwala na ito ay dahil sa pag-ibig niya kay Lucie.

Mauunawaan natin ang pagsasakripisyo na buhay ng isang tao para sa kapakanan ng taong minamahal tulad ng ginawa ni Charles para kay Lucie at tulad ng mga magulang na nagpapakahirap at hindi iniinda ang sakit at hirap para sa kapakanan ng anak.

Ang isa pang halibawa ay si Karisa Bugal ay namatay noong November 2014 ilang oras pagkatapos na sinilang niya ang kaniyang pangalawang anak na si Declan. Nagkaroon siya ng pambihirang karamdaman kung saan ang mga liquid na bumabalot at pumuprotekta sa sanggol sa kaniyang matris ay kumalat sa buong katawan ni Karisa na nagresulta ng pagkawasak ng iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan. Noong sinabi ng doctor ang panganib na hinarap niya, may dalawang pagpipilian si Karisa. Ang una ay ang magpa-opera para maligtas ang kaniyang buhay pero magbibigay panganib ang operasyong ito sa buhay ng kaniyang sanggol na nagsisimula nang bumagal ang tibok ng puso. At ang pangalawa ay ang manganak sa pamamagitan ng ceasarian section na magliligtas ng buhay ng kaniyang sanggol pero magbibigay panganib sa kaniyang buhay. Pinili ni Karisa na manganak nang caesarian section na nagdala sa kaniyang kamatayan ilang oras pagkalipas niyang makapanganak. Ligtas ang kaniyang anak na si Declan na may timbang na seven pounds.

Maunawaan natin ang dakilang pag-ibig ng ina sa kaniyang anak pero sa mga kriminal at mga tao na malaki ang atraso sa atin, malamang na hindi natin pag-aaksayahan ng ating atensyon at lalo na ng ating buhay ang mga taong ito.

Magmula ng magkasala si Adan at Eba sa Diyos, patuloy ang sangkatauhan pagrebelde, sa paglayo sa Diyos at sa paglabas sa kaniyang mga batas na ibinigay niya para sa ating kabutihan. Kung iisipin natin, wala tayong ibinigay sa Diyos kundi kabiguan at dalamhati at hindi kataka-taka kung minsan ay naisip niyang iabandona na lamang tayo o puksain ang buong sangkatauhan.

Mabuti na lang hindi ganoong ang pag-ibig ng Diyos. Kundi, wala na sigurong taong nabubuhay ngayon sa mundo. Ayon sa biblia sa Roma 5:7-8 “Hindi pangkaraniwan na ang isang tao ay mamatay para sa isang matuwid na tao. Maaaring alang-alang sa isang mabuting tao, ang isang tao ang maglakas-loob na mamatay. Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.” Walang kondisyon ang Diyos na hiningi mula sa atin nang inalay niya ang buhay ng kaniyang anak na si Hesus para sa ating kaligtasan. Alam niyang wala tayong kayang gawin para makamit at maging karapat-dapat tayo sa kaniyang pag-ibig pero sa kabila ng lahat, nagdesisyon siyang gawin ito. Kakaiba ang pag-ibig ng Diyos na kaniyang inaalay sa iyo. Tatanggapin mo ba ito?

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:15p.m. English services). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10 a.m., Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m., Calvary Chapel at 221 Hamilton St. Neepawa, MB at 1:30 p.m. & West End Community Centre at 247-23rd St., Brandon, MB at 10:30.a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.