Published on

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueKung sana

ni Junie Josue

May nabasa akong kuwento tungkol sa isang lalaking yumaman at nagpunta sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Sa kaniyang paglalakbay, naisip niya ang kaniyang nabalong ina. Pakiramdam ng lalaki ay hindi niya naging mabuting anak. Nakonsensiya siya at nagpasiya siyang bigyan ang kaniyang ina ng kakaibang regalo. Nagpadala siya ng pambihirang South American parrot na nagkakahalaga ng isang libo at dalawang daang dolyares.

Lumipas ang tatlong lingo at wala siyang naririnig mula sa kaniyang ina. Nang ikaapat na linggo, tumawag siya sa kaniyang ina at at tinanong niya siya kung nakuha niya ang ibon na ipinadala niya. Sinabi ng ina na nakuha niya ang ibon at ito’y niluto niya isang araw pagkatapos na dumating ito. Dinagdagan pa niya na masarap ang lasa ng ibon. Laking gulat ng lalaki nang malaman ang ginawa ng ina sa ibon. Ipinaliwanag niya na pamibihirang uri ng parrot ito dahil nakakapagsalita ito ng limang wika.”

Nagulat ang ina at sinabing, “Ano? Kung sana’y sinanabihan mo man lang ako”. Kung sana….madalas natin naririnig ang dalawang salitang iyan. Kung sana ay nakapagtapos ako ng pag-aaral. Kung sana ay hindi ako pumatol sa lalaking iyan. Kung sana ay napag-ukulan ko ng sapat na panahon at pagmamahal ang aking pamilya. Kung sana ay hindi ako nagpabuyo sa aking mga barkada. Kung sana ay mas bata pa ako. Kung sana ay sinunod ko ang payo ng aking mga magulang. Kung sana ay nagpatawad ak.

Kung sana, kung sana. Walang katapusan ang pagnanais natin na mabago ang takbo ng ating buhay. Patuloy tayong nag-aasam na maibalik ang panahon. Ngunit may magagawa pa ba ang ating pagsisisi? Maibabalik nga ba natin ang panahon? Sa totoo lang, wala na tayong magagawa sa paglingon sa nakaraan, sa pamumuhay nang may pagsisisi. Ngunit may magagawa pa tayo sa natitirang panahon, sa ating ngayon at sa ating kinabukasan

Kaya nga sa pagharap natin sa bagong taon, mahalagang malaman natin na may magandang pang bukas na naghihintay sa atin, may pag-asa pa tayong makamtam ang mga maiilap na bagay na matagal na nating nais mapasaatin. Sa biblia, sa aklat ng Isaias 43:18-19, ito ang sabi ng Diyos, “Ang mga nangyari noong unang panahon ay ilibing na sa limot; Limutin na ngayon. Narito at masdan ang nagawa kong isang bagong bagay na hanggang sa ngayon ay hindi mo namamasdan. Ako ay magbubukas ng isang landasin sa gitna ng ilang. Patutubigan ko maging ang disyerto.”

Walang imposible sa Diyos. Kaya niya tayong bigyan ng bagong simulain. Siya ang Diyos na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Ngunit naghihintay siyang lumapit tayo sa kaniya upang siya ay makakilos sa ating buhay. Nais niyang pagharian tayo at ayusin ang ating magulong buhay. Wala siyang ninais kundi ang ating kabutihan at kaligayahan. Ngunit nasa atin ang problema kaya hindi tayo makapagsimula nang maayos.

Naalala ko tuloy ang kuwento ng isang bata ng nagpaayos ng sira niyang laruan sa kaniyang tatay. Naghihintay ng ilang sandali ang bata hanggang sa nainip ito at binawi ang laruan mula sa kaniyang tatay. Hindi tuloy natapos ng ama ang pagkumpuni sa laruan at hindi rin mapakinabangan ito ng bata.

Bakit hindi natin ipagkatiwala nang lubusan ang ating buhay sa Diyos? Magpasakop tayo sa kaniyang kaparaanan at kapanahunan. At siguradong hindi na tayo mabubuhay sa pagsisisi. Hindi na natin sasabihin ang mga katagang, “kung sana.”

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:15p.m. English services). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10 a.m., Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m., Calvary Chapel at 221 Hamilton St. Neepawa, MB at 1:30 p.m. & West End Community Centre at 247-23rd St., Brandon, MB at 10:30.a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.