Published on

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosuePag-ibig na nagpaparaya

ni Junie Josue

“Easy Eddie” ang tawag sa kaniya na mga tao. Sikat siyang abogado. Mula sa St. Louis, Missouri, lumipat siya sa Chicago. Doon niya nakilala si Al Capone na siyang lider ng sindikato sa Chicago na may kinalaman sa maraming krimen dahil sa mga illegal na negosyo at pangraraket nito. Ang sindikato ni Al Capone na kung tawagan ay Chicago Outfit ang siyang nangunguna sa Chicago City. Naging kakuntsaba ni Al Capone si Eddie sa kaniyang mga negosyo at pangraraket.

Sagana sa pera at karangyaan, wala nang mahihiling pa sa Eddie. Pero noong 1930, sumurender siya sa awtoridad. Siya ang naging daan para makasuhan at makulong si Al Capone dahil sa kasong tax evasion. Ano ang naging motibo ni Eddie para gawin iyo? Hindi ba niya alam na siguradong gagantihan siya ni Al Capone o ng mga galamay nito?

Alam niya ito dahil hindi alam niya ang labas-pasok na patakbo ng sindikato at ng gang ni Al Capone pero desidido na siyang talikuran ang kasamaang kinasangkutan niya. Ang dahilan niya? Ang kaniyang anak na lalaking si Butch. Sapat na ang panahong ginugol ni Eddie sa mga kasuklam-suklam na gawain. Nais niyang magkaroon ng magandang pangalan ang kaniyang anak at ang paraan para magawa niya iyon ay paglilinis sa kaniyang sariling pangalan. Handa si Eddie na harapin ang panganib para magkaroon ng magandang simulain ang kaniyang anak. Pero hindi nasaksihan ni Eddie ang katuparan ng kaniyang pangarap. Hindi nga nakalimot ang sindikato. Paalis sa kaniyang opisina, sumakay siya sa kaniyang kotse at habang siya’y nagmamaneho, inulan siya ng bala ng dalawang lalaki at kaagad siyang namatay.

Sulit nga ba ang kaniyang ginawa? Para sa kaniyang anak na si Butch, sulit ang pagpaparaya ng kaniyang tatay. Ayaw ni Eddie na lumaking tamad at walang disiplina si Butch kaya’t pinadala niya ito sa isang military school. Na-appoint si Butch sa US Naval Academy. Naging Navy pilot siya at pinabagsak niya ang limang Japanese bombers at pinilayan ang ikaanim na bomber dalawang buwan pagkatapos ng Pearl Harbor. Nabigyan ng Medal of Honor si Butch at ang airport ng Chicago ay ipinangalan sa kaniya ang O’Hare airport na siguradong napuntahan na ng marami sa atin.

Ang tagumpay sa buhay ni Butch ay maaaring masabi natin na dahil sa pag-ibig ng kaniyang ama na si Eddie. Isang pag-ibig na handang magsakripisyo, hindi takot na humarap sa panganip, at nagnanais na mag-iwan ng pamanang marangal. At iyan nga ang ginawa ng Panginoong Hesus sa atin. Para magkaroon tayo ng masaganang buhay dito at sa kabilang buhay, hinarap niya ang kamatayan. Siya ang umako ng kaparasuhan na dulot ng ating kasalanan.

Pag-ibig na handang humarap sa hirap at panganib at hindi iniiisip ang kabayaran. Iyan ang halimbawang pinamuhay ni Hesus na nais niyang gayahin natin. Nais niya ibuhos natin ang ating pag-ibig sa ating kapuwa at huwag nating palagpasin ang pagkakataong iyon.

Napakabigat ng loob ng isang lalaki habang ini-impake niya ang mga gamit ng kaniyang asawa. Hindi niya akalaing mamatay ito nang napakabata – 30 anyos! Pero mabilis kumalat ang cancer. Naalala niya na madalas nagyaya ito na mag-date sila pero napakabusy niya. Laging niyang dinadahilan ang trabaho. Tutal may ibang panagon naman na puwede nilang gawin iyon.

“Saka na lang” Mga katagang madalas nating nasasabi. “Saka ko na lang ipapasyal ang mga anak ko.” “Bisi ako sa paghahanap- buhay.” “Saka na lang ako tatawag sa aking magulang para makipag-ayos” “Saka na lang ako aamin ng atraso ko.” “Saka na lang ako magseseryoso sa aking relasyon sa Diyos. Hindi pa ako sawa.”

Pero alalahanin natin na baka wala nang iba pang pagkakataon.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:15p.m. English services). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10 a.m., Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m., Calvary Chapel at 221 Hamilton St. Neepawa, MB at 1:30 p.m. & West End Community Centre at 247-23rd St., Brandon, MB at 10:30.a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.