Print E-mail
Wednesday, 16 September 2009 00:00
Heavenly Connection     Kahit na


May kasabihang “kung hindi ukol ay hindi bubukol.” Ang ibig sabihin nito ay kung hindi para sa iyo ang isang bagay, kahit ano’ng gawin mo ay hindi mapapasaiyo ito.

Totoong may mga bagay na hindi napapasaatin kahit na ano pang gawin natin. May mga pangarap na hindi natin maabot kahit na anong pilit pa natin. Pero hindi dapat itong maging dahilan para hindi na tayo magpursige na makuha ang ibang mga bagay na mahirap kunin. Hindi natin dapat limitahan ang ating sarili kapag may hadlang o pagsubok para maabot natin ang ating mga pinapangarap at inaasam. Hindi natin dapat isipin na katapusan na ng mundo kapag hindi natin nakuha ang ating inaasam. Huwag natin ilagay sa tadhana ang ating buhay.

Paralisado ang dalawang binti at braso ni Joni Erikson Tada. Nanalangin siya ng kagalingan mula sa Diyos. Pero nanatiling walang silbi ang kaniyang mga binti at braso. Tinanggap na niya ang kaniyang kalagayan pero namili si Joni na mamuhay ng kapaki-pakinabang. Naumuhay siya para sa Panginoon at sa kaniyang kapuwa. Nag-aral siyang mag-painting sa kakaibang paraan. Kinakagat niya ang brush para igalaw ito sa iba’t ibang direksyon. Humusay siya ng husto sa pagpinta. Sa katunayan, marami ang bumibili ng kaniyang mga gawa. Sumulat siya mga libro na nagsisilbing inspirasyon sa mga may kapansana’t may problema sa buhay. Sa pamamagitan ng organisasyong tinayo niya, nagbibigay siya ng ilang libong mga wheelchair sa iba’t ibang bansa. Tinutulungan niya ang mga simbahan at mga organisasyon at tinuruan ang mga ito kung paano mapabuti at mapadali ang pamumuhay ng mga may kapansanan. Gumawa siya ng paraan para mabigyan ng pamahalaan ng America ng atensyon, suporta at mas mabuting buhay ang mga may kapansanan. May programa siya sa radyo na pinakikinggan ng milyon-milyong mga tao. Nagsasalita rin siya sa mga conferences sa iba’t ibang panig ng mundo. Binabahagi niya ang salita ng Diyos at ang pag-asang natagpuan niya mismo mula sa Diyos.

Minsan may mga hadlang o pagsubok sa pagkamit natin ng mga bagay na inaasam natin pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na para sa atin ito.

Madalas naglalakbay ang isip ni Thomas Edison noong siya ay bata pa at sinabi ng kaniyang teacher na lito ang pag-isip niya. At tumigil na sa pag-aaral sa eskwelahan si Edison. Hindi rin siya makarinig nang husto dahil sa kaniyang naging sakit noong bata pa. Pero hindi naniwala ang kaniyang nanay na walang maaabot ang kaniyang anak. Mahilig magbasa at mag-eksperimento si Edison. Minsan umabot ng ilang libong beses ang pag-eeksperimento niya pero hindi siya tumitigil hanggang hindi siya magtagumpay. Hindi kataka-takang marami siyang naimbentong mga bagay na napapakinabangan natin noon at ngayon tulad ng phonograph at electric light bulb.

Isang araw, nasunog ang laborataryo niya. Pero hindi siya nag-aksaya ng panahon sa pagmumukok ng kaniyang kawalan. Nagplano agad siyang itayo muli ito at ipagpatuloy ang kaniyang mga imbensyon. Alam niya kasing hindi pa katapusan ng lahat ng bagay.

Fatima Josue is the wife of Pastor Junie Josue, Senior Pastor of International Worship Centre at the PCCM, 737 Keewatin St. [Worship Services: Sundays 9:00 a.m. & 11:00 a.m.] and host of the radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478.


Have a comment on this article? Send us your feedback