Print E-mail
Thursday, 01 September 2011 00:03
Kaka-Hinagap

Bakas

  Madaling matambad sa dalawang mata,
Yapak sa malinis ng maruming paa;
Lumang kasalanang nagawa sa iba,
Hindi malimutan ng inapi niya!

Buhay na umikli dulot ng digmaan,
at iba pang sanhi ng mga alitan;
Maling pangyayaring hindi naiwasan,
ay naaalala kahit pagsisihan!

Ang bayang kahapo’y tahanang magiliw,
Sakbibi na ngayon ng dusa’t hilahil;
Maligayang araw kung kaya nagmaliw,
Gawaing tiwali ay hindi masupil!

Bakas na malabo ng katotohanan,
Sinisikap ngayon na maging malinaw!

Paquito Rey Pacheco

Have a comment on this article? Send us your feedback