|
Friday, 16 September 2011 00:03 |
 |
Ang Panahon
|
|
|
Nagbabagong anyo, nag-iibang kulay,
Mga dahong lungti sa punong malabay;
Dulot ng panahong hangad nang iwasan,
Ang masidhing init na nararanasan!
***
Nalanta sa sanga ng punong mayabong,
Hangin ang pumigtal sa natuyong dahon;
Dahil sa matinding alinsangang kalong,
ng lupang nagbitak, ulan ang naghilom!
***
Ang isa sa apat na nakakapiling,
Taglagas ang unang binabata natin;
Karaniwang handog na mga tiisin,
Nagsisilbing aral sa puso’t damdamin!
***
Sa nagdaang mga siyam-na-pung araw,
Patungong taglamig ang takbo ng buhay!
Paquito Rey Pacheco
|
Have a comment on this article? Send us your feedback
|