Print E-mail
Saturday, 01 October 2011 00:03
Kaka-Hinagap

Katangian

  Malubhang tiisin ang mararanasan,
Sa taong may mga iwing katangian;
Matikas, maganda, marunong, mayaman,
Ang turing sa iba ay kayang tapakan!
***
Tingin sa marami, mababang nilikha,
Laman ng lipunan sa wari ay dukha;
Ang ibang may kuro, binabale-wala,
Nais siya lamang ang tinitingala!
***
Katangiang gayun na taglay ng tao,
Tunay na mahirap ang pakikitungo;
Dulot ng ugaling mabagsik na amo,
Kawawa ang panig na naaabuso!
***
Magkataling puso’y nagkakahiwalay,
Sanhi ng ugaling hindi magkapantay!

Paquito Rey Pacheco

Have a comment on this article? Send us your feedback