Print E-mail
Sunday, 16 October 2011 00:03
Kaka-Hinagap

Awa

  Ang tanging malimit na inaasahan,
ng nasa panganib na may karamdaman;
At ng dalamhating nakamit ng bayan,
Dulot ng panahon, sakuna’t digmaan!
***
Kalakip ng dasal, pagsamong taimtim,
Karamdamang taglay nasa ay gumaling;
Bayang kabuhaya’y bihag ng panimdim,
Kung kakaawaan ginhawa’y kakamtin!
***
Sa lahat ng mga dapat kahabagan,
ay mga nalugmok sa karalitaan;
Na sanhi ng lindol at bagyong nagdaan,
Digmaan na wala silang pakialam!
***
Sanggol na ulilang lubos ay kawawa,
Kung pagkakaitan ng hustong kalinga!

Paquito Rey Pacheco

Have a comment on this article? Send us your feedback