|
Friday, 16 March 2012 00:00 |
 |
Kapalaran
|
|
|
Hindi inasahan,
kusang dumarating sa buhay ng tao;
Taglay karaniwan,
na handog sa lahat ay hindi mapiho!
***
Palasak na kuro,
mga pangyayari’y kaloob ng langit;
Tulad ng siphayo,
na sukli sa isang wagas na pag-ibig?
***
Dito sa daigdig,
dahil walang saplot nang tayo’y isilang;
Kaya nga ang pintig,
ng buhay at anyo’y mahirap hulaan!
***
Dahil kapalaran,
kung may maligaya, iba ay malungkot!
Paquito Rey Pacheco
|
Have a comment on this article? Send us your feedback
|