|
Wednesday, 16 November 2011 00:03 |
 |
Daloy ng buhay
|
|
|
Ang bukal ng buhay,
sa ating daigdig, batis ng hiwaga.
Balong na makulay,
kasama sa agos ng mali at tama!
***
Likas na maramot,
sila’y mapagkait, iba’y matulungin.
Ang taong masinop,
at mga bulagsak madaling mapansin!
***
Ang mga mayaman,
sa kaginhawahan ay hindi hikahos.
Sa ating lipunan,
dukha ay bihasa sa dalaw ng lungkot!
***
Ang kaligayahan,
malimit mawangki sa ibong labuyo!
Paquito Rey Pacheco
|
Have a comment on this article? Send us your feedback
|