Print E-mail
Thursday, 01 December 2011 00:03
Kaka-Hinagap

Kalikasan at Isipan

 

Taglamig na naman,
ang hatid sa atin ng tuksong panahon;
Na nararamdaman,
ngayon ng katawan na mainit noon!
***  
Ang namuong tubig,
naging puting kumot ng tigang na lupa;
Hamon ng pag-ibig,
sa nakararaming hangad ay biyaya!
***  
Kalikasang himig,
Isipang malikot na iwi ng tao;
Halos magkahawig,
ang dapyo at pintig na pabagu-bago!
***
Lulutang na kusa,
ang katotohanan, kahit na itago!

Paquito Rey Pacheco

Have a comment on this article? Send us your feedback