|
Friday, 16 December 2011 00:03 |
 |
Diwa ng Pasko
|
|
|
Maligayang araw,
Pinakahihintay minsan bawat taon;
Minsan lang dumalaw,
bago makatakas ang lumang panahon!
***
Para bang kaylan lang,
Araw na sagrado at pistang dakila;
Narito na naman,
Badya nang isilang ang banal na Bata!
***
Bagama’t lagi na,
Mahirap matanto sa muling paglisan;
Kung ang dating sigla,
Na dulot sa puso’y muling iiwanan!
***
May pamanang lagi,
Na kaligayahan ang Araw ng Pasko!
Paquito Rey Pacheco
|
Have a comment on this article? Send us your feedback
|