|
Wednesday, 01 February 2012 00:00 |
 |
Pag-ibig
|
|
|
Damdamin na labis ang kapangyarihan,
May malabo’t ningning ng kaligayahan;
Ugaling maharot, marupok, pihikan,
Ang ilan sa mga iwing katangian!
***
Pamana ng taksil, malubhang pighati,
Sa maraming tapat, malinis na budhi;
Pinag-iingatan…, minsang makamali,
Pagsintang napunit mahirap itagni!
***
Pag-ibig na taos, tapat na adhika,
Una ay sa Diyos, sarili’t kapuwa;
Gayun din sa bayan ng hapis at tuwa,
Sa silong ng langit ng mayama’t dukha!
***
Mailap na ibon ang nakakatulad
ng isang pagsuyong may sariling pugad!
Paquito Rey Pacheco
|
Have a comment on this article? Send us your feedback
|