Published on

Kaka-Hinagap

Larawan ng Buhay

 

Kusang iba’t iba ang mukha ng buhay

Maganda at pangit ang iwing larawan;

Kung paghahambingin dukha at mayaman,

Malayo ang agwat ng kaligayahan!

-o0o-

Masigla ang pintig ng buhay sa lungsod,

Kaiba sa bayan at nayong hikahos;

Kahit na ibatay sa galak at lungkot,

Ang mga dahila’y madaling matarok!

-o0o-

Sa silong ng langit na balat ng lupa,

Maraming mahirap ang iba’y sagana,

Ang tunay na anyo, isang halimbawa;

Buhay sa Makati at Tondo, Maynila!

-o0o-

Hayag na larawan nasa bawat tao,

May nasisiyahan at naaabuso!

 

-Paquito Rey Pacheco

 

Paquito Rey Pacheco or Kaka as he is fondly called was born in Balagtas (Bigaa), Bulacan. He has a BSc in Accounting and Economics from the Far Eastern University (FEU) with a minor in Political Science. He spent 21 years in Philippine radio broadcasting taking on the roles of news writer, reporter, producer and commentator. He also held the position of PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense. He was a Charter Member and Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. As a journalist, he was a reporter for Bagong Buhay newspaper handling the congress beat. In Winnipeg, he was a member of the Good Morning Philippines team for almost 13 years with Emmie Joaquin and Joe Sulit on CKJS Radio 810 AM, serving as the show’s News Director and as a comentator on the Manila Sound afternoon program. Kaka is a Tagalog poet and writer, he now writes a regular column, Pilantik for the Pilipino Express News Magazine

Have a comment on this article? Send us your feedback