Print E-mail
Sunday, 16 August 2009 00:20
Kaka-Hinagap

Lupang Hinirang

 

  

May dalawampu’t walong taon na nga,
Magmula nang kami ay mangibang-bansa;
Karaniwang buhay namin sa simula,
ay pinagharian ng lungkot at tuwa!

-o0o-

Ang pakiramdam ko ay mula sa banig,
Himlaya’y nalipat sa kawayang sahig;
Sumigla lumaon ang aking daigdig,
Nang kusang magsawa ang masidhing inip!

-o0o-

Nawalay man ako sa “Lupang hinirang,”
Puso at damdamin naman ay naiwan;
Kung moog man ngayon ang tinutuluyan,
Langit din sa akin ang dampang tahanan!

-o0o-

Pagsapit sa pook na nais marating,
Ang landas ng buhay sana ay lingunin!

-Paquito Rey Pacheco

 

Have a comment on this article? Send us your feedback