Print E-mail
Tuesday, 01 September 2009 00:03
Kaka-Hinagap

Hubad

 

Walang tinatanging dukha at mayaman,
Lahat ay gayon din nang tayo’y isilang;
Ngunit nababago lamang ang larawan,
Mulang pagka-bata, matapos bihisan!
-o0o-
Marami din namang maayos manamit,
na sa wari’y mga uliran sa bait;
Matabil ang dilang may taglay na tamis,
ang katawan pala’y pintungan ng pasik!
-o0o-
Taong matatapat, damit kahit aba,
Ang karapat-dapat bigyan ng halaga;
Nakakahinayang na binihisan pa,
Katawang matikas, bulok naman pala!
-o0o-
Marami ang balot ng saplot ay hubad,
Dahil sa ugaling karaniwa’y huwad!

-Paquito Rey Pacheco


Have a comment on this article? Send us your feedback