Print E-mail
Wednesday, 16 September 2009 00:16
Kaka-Hinagap

Nangangarap

 

Malaong pangarap ng pusong ulila,
Ligayang nagtampo ay magbalik sana;
Pahirin sa pisngi ang luha ng dusa,
Na sanhi ng aking hapis at balisa!
-o0o-
Ang tangi kong hiling mula’t sapol noon,
Makapiling man lang ng limampung-taon;
Masidhing hangarin ay hindi tinugon,
Si Lina’y tinangay ng tusong panahon!
-o0o-
Nawalang kasuyo’y hinahanap-hanap,
Kahit na sa bulang madaling mabasag;
Sa sinisimsim kong kupita ng alak,
Na baka sakaling anyo’y maaninag!
-o0o-
Setyembre nang kami’y pinag-isang buhay,
Ang pinili namin ay ang huling araw!

-Paquito Rey Pacheco

 
 
Have a comment on this article? Send us your feedback