|
Thursday, 01 October 2009 00:17 |
 | Lunas | | | Tulad din ng gamot sa may karamdaman, Sa malabong tanong, sagot ay malinaw; Ang pahihikahos ay malulunasan, Kung sipag at sinop ang pinupuhunan! *** Bawa’t suliranin ang hanap ay lunas, Buhay ay gaganda sa taong masipag Sakaling maraming binihag ng hirap, Ang magpapalaya ay sariling sikap! *** Dahil sa baluktot na pamamahala, Pag-asa ng bayan ay naglahong kusa; Mababalik lamang ang pagtitiwala, Kung ang hahalili ay hindi sugapa! *** Bihirang mag-away ay nagkakasundo, Malimit magbangay ay nagkakalayo! -Paquito Rey Pacheco |
|