|
Friday, 16 October 2009 00:00 |
 |
Ang Salita
|
| |
Nakakahikayat, nakakainsulto,
Nagbibigay sigla, nakapanlulumo;
Kahulugang angkin hindi nababago,
Malimit magamit sa pang-aabuso!
***
Nilikha ng Diyos ang Langit at Lupa,
Sa kapangyarihan ng banal na wika;
Kabilang ang taong Kaniyang kalinga,
Gayun din ang handog na mga biyaya!
***
May tinataglay ding mga kahinaan,
Tulad ng pangakong kinadadalaan;
Dahil ang totoo ay ayaw pakinggan,
Bigo ang layuning nais ipaalam!
***
Ang pagsasalita ay iniingatan,
Kung padalus-dalos baka pagsisihan!
-Paquito Rey Pacheco
|
|