|
Sunday, 01 November 2009 00:18 |
 |
Kapalaran
|
| |
Isang pangyayaring hindi maiwasan
ng sino mang tao sa ating lipunan;
May maganda’t pangit na nararanasan,
Kusang nangyayaring mga kaganapan!
***
Ang landas ng buhay sa ating daigdig,
Bukod sa madulas ay lubhang matinik;
Sapagka’t ang bukas ay hindi mabatid,
Kung tuwa o lungkot ang magiging hatid!
***
Anong kapalaran ang kakamtin kaya
ng bayan kong ngayo’y lugmok sa dalita?
Nang dahil sa maling pag-ugit ng bansa,
Maraming naakit sa gawang masama!
***
Maliban sa ating takdang kamatayan,
Kapalarang nais walang katiyakan!
-Paquito Rey Pacheco
|
Have a comment on this article? Send us your feedback
|