Print E-mail
Monday, 16 November 2009 00:00
Kaka-Hinagap

Patawad

  Tao nang isilang ay hubad sa dusa,
Sa binhi nanggaling ang likas na bunga;
Ang kawalang-malay sa pagkakasala,
Ligtas sa ano mang uri ng parusa!
***
May takdang panahong pinagbabatayan,
Sa batas ng tao ang may kasalanan;
Mabigat at hindi’y pinarurusahan,
Salig sa usaping dapat pagdusahan!
***
Unang sinasamo kung nananalangin,
Sa Poong Maykapal sana’y patawarin;
Ang pagkakasala na nagawa nating,
taliwas sa banal na mga habilin!
***
Ang sugat ng pusong likha ng bagabag,
Muling maghihilom sa pagpapatawad!

 

-Paquito Rey Pacheco

 

 

Have a comment on this article? Send us your feedback