Print E-mail
Monday, 01 February 2010 00:13
Kaka-Hinagap

Pangako

 

Salig sa hangaring makita ang hanap,
Kung hindi nangyari ay muling mangarap;
Sa ating daigdig ng ginhawa’t hirap,
Maraming balakid ang ano mang sikap!

Hangaring natanim sa pitak ng diwa,
Malayang sumibol sa wastong kalinga;
Ang inaasahang magandang akala,
Hindi nahinuhang mapait na luha!

Pangako ng puso… sikaping mangyari,
Badya’y katuparan ng gawang mabuti;
Walang katuturan kahit anong sisi,
Sa bigong pag-asang taglay ng sarili!

Bagama’t maraming hindi natutupad,
May mga pangakong manigo sa hangad!

-Paquito Rey Pacheco

  

Have a comment on this article? Send us your feedback