Print E-mail
Tuesday, 16 February 2010 00:03
Kaka-Hinagap

Ang pag-ibig

  Tunay na mapusok sa katotohanan,
 sa isip at puso ang kapangyarihan;
Kung hindi ligaya, lungkot ang hantungan
ng padaskul-daskol na pagmamahalan!
***
Iwing katangian ay laang magtiis
Sa dapyo ng buhay na lubhang malupit;
Pasuyong dinaan sa dahas at bilis,
Karaniwang dusa ang nakakapalit!
***
Buwan ng pag-ibig minsan pang dumapo,
Ibon ang kawangis, mailap-maamo;
Sana’y manariwa ang lantang pagsuyo
ng kahapo’t ngayong sumpa at pangako!
***
Unahin ang Diyos, sarili at bayan
ng iwing pag-ibig na pag-uukulan!

-Paquito Rey Pacheco

 

Have a comment on this article? Send us your feedback