|
Monday, 01 March 2010 00:10 |
 |
Pasasalamat
|
| |
Pitumpo’t pito na ang taong nagdaan
Na handog sa akin ng Poong Maykapal;
Ang damping aruga sa buong katawan
Dulot ay manigong buhay na pahiram!
***
Tulad ng maraming tanging pinagpala
ng Kaniyang wagas at gintong kalinga;
Ang pasasalamat sa handog na awa
Sa pitak ng puso’y natanim na kusa!
***
Kaugnay ng aking hiram na panahon
At hindi matiyak na tadhana ngayon;
Salamat sa inyo ang tangi kong tugon
Sa mga dalanging alay ngayo’t noon!
***
Patawad ang hingi sa nagawang lisya,
Sa mga nangyaring hindi sinasadya!
-Paquito Rey Pacheco
|
Have a comment on this article? Send us your feedback
|