Print E-mail
Thursday, 01 April 2010 00:03
Kaka-Hinagap

Ang Mahal na Araw

  Buhay na larawan sa silong ng langit,
Ang Semana Santa sa tuwing sasapit;
Sa tao ay tampok ang binatang sakit
ng Haring sinugong wagas ang pag-ibig!
***
Isang linggong araw ng galak at lungkot,
Ang tatlo ay luksa, pagtitika’y taos;
Mahiwagang buhay ala-ala’y tampok,
Masiglang pagtanggap, lumaon ay poot!
***
Tagubilin Niya nang Huling Hapunan,
Ang lahat ng tao, dapat magmahalan;
Manaig ang nais na katahimikan,
at buhay na hindi pansarili lamang!
***
Ang mga nagbunyi sa Haring dumating,
Sa bintang na sala’y sila ring nagdiin!

-Paquito Rey Pacheco

 

Have a comment on this article? Send us your feedback