  |
Aries (March 21 – April 19)
Bagong taon, bagong pag-iisip. Panahon na upang gawin mo ang mga planong hindi mo nagawa noon dahil kulang ka sa oras o kulang ka sa lakas ng loob. Kailangan mong magtiwala sa sariling kakayahan. Nasa mga palad mo ang tagumpay mo. Best days mo ang ika-1, 2, 10 at 11. Alalay ka sa ika-8, 9, 14 at 15.
Taurus (April 20 – May 20)
Walang masama kung lagi kang mangangarap ng magandang kinabukasan kaya lang pilitin mong lagyan ng aksyon ang pangarap upang magkatotoo ang mga ito. Malusog ka at malayo ka sa karamdaman. May bantang pagsubok sa iyong pag-ibig. Bantayan mo. OK ang ika-3, 4, 12 at 13. Ingat sa ika-10 at 11.
Gemini (May 21 – June 20)
Buwenas ang pasok ng Enero sa iyo. Magaan ang dating ng pera at malusog ka. Wala kang problema sa hanapbuhay. Ngunit ang iyong mahal ay may tampo dahil sa palagay niya ay kulang ang oras mo sa kaniya. Alagaan mong huwag nang lumala pa ang tampo. OK ang ika-5, 6, 7, 14 at 15. Ingat sa ika-12 at 13.
Cancer (June 21 – July 22)
Masaya ang bagong taon mo. Popular ka at ano man ang sabihin mo ay pinaniniwalaan ng iba. Bigyan pansin mo muna ang pamilya. Maaaring magkaroon ng problema sa anak o sa iyong ka-partner sa pag-ibig. Walang pangamba kung matibay ang pagmamahalan. OK ka sa ika-8 at 9. Stressful ang ika-1, 2, 14 at 15.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Mas magiging maganda ang kapalaran mo sa buong taon kung uunahin mong tulungan ang ibang tao na malapit sa iyo. Kailangang bukal sa loob mo ang pagtulong at makikita mong babalik sa iyo nang maraming beses ang kagandahang loob na ihahandog mo sa iba. Mapalad ka sa ika-6 at 7. Stressful ang ika-3 at 4.
Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)
Ngayon na ang panahon upang tuparin mo ang pangako mong ayusin ang iyong kalusugan – payat ka man o mataba, sinabi na sa iyo ng iyong doctor na kailangan mong bantayan ang timbang. Maiiwasan mo ang malalang sakit kapag sinunod mo siya. Mag-ingat. Suwerte ang ika-3, 4, 12 at 13. Ingat sa ika-5, 6 at 7.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Mataas ang stress level mo sa pagpasok ng taon kaya kailangan mong pilitin ang utak mong magpahinga at layuan ang kaiisip ng problema. Una, hindi naman nakasalalay sa iyo ang paglutas ng problema. Mga kapamilya mo ang lulutas noon. OK ang ika-5, 6, 7, 14 at 15. Kuwidaw sa ika-1, 2, 8 at 9.
Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)
Simple lang ang solusyon sa iyong mga problema. Kulang ka sa tulog. Ito ang dahilan kung bakit laging mainit ang ulo mo, maramdamin at pikon ka. Apektado tuloy ang relasyon mo sa lahat ng tao. Matulog ka nang sapat na oras at magiging maligaya ang pananaw mo. OK ang ika-8 at 9. Ingat sa ika-3, 4, 10 at 11.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Kung gusto mong maging maganda ang pakikitungo sa iyo ng ibang tao, kailangang ayusin mo ang iyong panlabas na kaanyuan. Dapat ay laging malinis ka at kaaya-aya ang amoy. Tingnan mo ang sarili sa salamin upang makita mo kung bakit. OK ang ika-8 at 9. May tension sa ika-5, 6, 7, 12 at 13.
Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)
Oras na upang asikasuhin ang pamilya mo. Maayos ang iyong hanapbuhay kung kaya puwede mong huwag problemahin iyon. Bantayan mo ang inyong pagkain kahit pakiramdam mo ay malulusog kayo. Huwag kang magpabaya. Good days ang ika-3, 4, 12 at 13. May tensyon sa ika-1, 2, 8, 9, 14 at 15.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Masaya ang bagong taon para sa iyo at iyong pamilya. Kontrolado mo ang iyong buhay kung kaya nasa sa iyo kung magiging masaya ka o hindi. Maayos din ang kalusugan mo. Iwasan mo ang pabigla-biglang desisyon dahil mahirap magsisi sa huli. Relax. OK ang ika-5, 6, 7, 14 at 15. Ingat sa ika-3, 4, 10 at 11.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
May pangamba ang pag-ibig sa bagong taon. Iwasan mo ang masyadong selos dahil nakakasakal iyon sa iyong mahal sa buhay. Maayos ang iyong hanapbuhay at ngayon ang panahon upang mag-invest kung may tiwala ka sa negosyo. Pag-aralan mong mabuti ito. OK ang ika-8 at 9. Ingat sa ika-5, 6, 7, 12 at 13.
|