Kapalaran • Enero 16-31, 2012 Print E-mail

Aries (March 21 – April 19)
Ok ang masipag pero kung sinasagad mo naman at napapabayaan mo ang sarili mo at pamilya, hindi na ok iyon. Piliin mo ang pinaka-importante sa mga plano mo at doon ka mag-focus. Mas mabuti ang “quality” kaysa “quantity” – mas masaya ka pa. OK ang ika-19, 20, 28 at 29. Alalay ka sa ika-21 at 22.

Taurus (April 20 – May 20)
Gumawa ka ng paraan upang makasundo mo ang mga kasama mo. Maaaring magkapareho kayo ng opinion subalit tinututulan mo lang na unawain sila. Malamang ay magulat ka kapag nakita mong wala ka naman palang kaibahan sa kanila. Lucky days mo ang ika-21, 22, 30 at 31. Ingat sa ika-17, 18, 23 at 24.

Gemini (May 21 – June 20)
Babantayan ng mga nakakataas sa iyo ang uri ng iyong trabaho. Ngayon ang panahon upang magpakitang gilas ka sa kanila kung gusto mong umasenso. Simplehan mo lang at huwag kang magpahalata na gusto mo silang ma-impress sa iyo. OK ang ika-23 at 24. Ingat sa ika-19, 20, 25 at 26.

Cancer (June 21 – July 22)
Maraming oportunidad upang maging masaya at magaan ang buhay mo sa darating na linggo. Samantalahin mo dahil kailangan mong ipahinga ang hirap mong isip at damdamin. Iwan mo muna pansamantala ang trabaho at problema sa pamilya. OK ang ika-17, 18, 25 at 26. Ingat sa ika-21, 22, at 28.

Leo (July 23 – Aug. 22)
Magbabago ang takbo ng kapalaran mo patungo sa mabuti. Subalit iwasan mo ang maging pabaya dahil madaling huhulagpos sa iyo ang suwerte. Buwenas ang hanapbuhay at magaan ang pananalapi. Iwasan mo rin ang sobrang pagsya-shopping. Mapalad ka sa ika-16, 17, 25 at 26. Stressful ang ika-18, 23, 24, 30 at 31.

Virgo (Aug. 23 Sept. 22)
Lahat ng uri ng relasyon ay magiging mabuti para sa iyo. Maganda ang relasyon mo sa mga tunay na kaibigan. Malalaman mo kung sino sa kanila ang totoo sa iyo kapag masaya sila dahil sa magandang kapalaran mo at hindi ka nila kaiinggitan. Suwerte ang ika-21, 22, 30 at 31. Ingat sa ika-19, 20, 25 at 26.

Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Huwag kang maging alipin ng trabaho o pera. Mas mabuting gawin mo lang ang kaya mo at magandang kapalaran ang lalapit sa iyo. Ang maging alipin ka ng pera ay negatibo ang magiging balik sa iyo. Lalo kang mahihirapan. Hayaan mo lang. Take it easy. OK ang ika-23 at 24. Kuwidaw sa ika-21, 22, 28 at 29.

Scorpio (Oct. 23 Nov. 21)
Maganda ang imahe mo sa ibang tao. Wala namang nag-iisip nang masama sa iyo. Kung gayon, bakit ka takot at walang tiwala sa sarili mong kakayahan. Mahalin mo muna ang sarili mo at magsusunud-sunod ang buwenas na kapalaran mo. Lucky days mo ang ika-17, 18, 25 at 26. Ingat sa ika-23, 24, 30 at 31.

Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Sige, huwag ka nang magpigil at sabihin mo ang gusto mong sabihin sa mga kasama mo. Mas mabuti ang nagsasabi ng tapat kaysa nagpapakipot. Maiintindihan ka nila kung maipapaliwanag mong mabuti ang iyong punto. Hindi nila mahuhulaan hangga’t hindi mo sinasabi. OK ang ika-17, 18 at 26. Ingat sa ika-25.

Capricorn (Dec. 22 Jan. 19)
Nasa iyo ang magandang kapalaran ngayon. Mag-isip ka nang mabuti tungkol sa iyong kapuwa at lalo kang tatanggap ng magandang biyaya. Iwasan mo ang magalit at iwasan mo rin ang mainggit. Mag-isip ka muna bago magsalita. Masaya ka. Good days ang ika-21, 22, 30 at 31. May tensyon sa ika-28 at 29.

Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Huwag kang magduda kung tila napakabait sa iyo ng isang kasama na hindi mo naman itinuturing na malapit na kaibigan. Wala siyang masamang intension. Marahil ay nagugustuhan niya ang ugali mo at nais kang maging kaibigan. Ibukas mo ang isipan. Lucky ka sa ika-23 at 24. Careful sa ika-17, 18, 30 at 31.

Pisces (Feb. 19 – March 20)
Makulay ang romansa para sa iyo. Kung may partner ka, mas matingkad ang inyong pagsasama ngayon. Kung single ka pa, may oportunidad na makikita mo ang iyong mamahalin. Sa madaling sabi, suwerte ang relasyon mo sa pagpasok ng taon. OK ang ika-17, 18, 25 at 26. Ingat sa ika-19 at 20.