  |
Aries (March 21 – April 19)
Walang basehan ang ikinatatakot mo. Alam mo bang wala silang magagawang masama sa iyo hangga’t patuloy ka sa mabuti mong hangarin? Iwasan mo ang maging praning. Kadalasan ay wala namang ibang kahulugan ang nakikita mong ugali ng iba. Best days mo ang ika-7, 8 at 15. Alalay ka sa ika-4, 5, 11 at 12.
Taurus (April 20 – May 20)
Kung balak mong maging mabuti ang iyong kabuhayan, kailangan mong tanggapin ang mga pagsubok at tagumpay na makakasalubong mo sa mundong ibabaw. Iwasan mo ang mataas na pride dahil ito ang nagbibigay sa iyo ng maling ilusyon sa buhay. Lucky days mo ang ika-1, 9 at 10. Ingat sa ika-7, 8, 13 at 14.
Gemini (May 21 – June 20)
Pagkatapos ng masayang kapaskuhan, nakakaramdam ka ng kalungkutan. Normal ito. Ang gawin mo ngayon ay kalimutan mo muna ang nakaraang kaligayahan at harapin ang mga dumarating na araw. Hindi palaging kulay rosas ang paligid, may tinik din ito. OK ang ika-2, 3, 11 at 12. Ingat sa ika-9, 10 at 15.
Cancer (June 21 – July 22)
Ilagay mo sa isip na hindi ka agad magtitiwala sa mga kasama mo sa panahong ito. Kahit na doon sa mga alam mong matapat sa iyo. May pagkakataong hindi nila kailangang malaman lahat ang niloloob mo. Maaari rin silang matukso. Wala kang control sa kanila. OK sa ika-4, 5, 13 at 14. Stressful ang ika-11 at 12.
Leo (July 23 – Aug. 22)
I-review mo ang mga dapat mong gawin. Marami kang nabimbin na gawain dahil sa nagdaang holiday season. Hindi nawala ang pangangailangang iyon. Nadaragdagan lang habang hindi mo sila inaayos. Baka magulat ka na lang sa dami ng nakatambak sa harap mo. Ayos ang ika-7, 8 at 15. Ingat sa ika-1, 13 at 14.
Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)
Nararamdaman mo ang mga nagaganap sa paligid mo. Marami kang hindi nauunawaan pero ayaw mo namang magtanong. Bakit ka takot? Mas mabuti na ang alam mo kaysa hindi. Alamin mo at siguradong may magagawa ka upang umunlad ang buhay mo. Suwerte ang ika-1, 9 at 10. Ingat sa ika-2, 3 at 15.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Nalilito ka ba kung ano ang dapat mong gawin para bumuti ang kalagayan mo sa buhay? Papanig ka ba sa kaliwa o sa kanan? Ito ang kadalasang problema ng isang Libra. Walang katiyakan dahil parehong matimbang sa iyo ang magkabilang panig. Desisyon? OK ang ika-2, 3, 11 at 12. Kuwidaw sa ika-4 at 5.
Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)
Kung may pagkukulang kang nagawa sa ibang tao na dating malapit sa iyo, ngayon na ang panahon para kumpunihin ang nasirang relasyon. Kung hindi ngayon, huwag ka nang aasa pang maisasalba ang relasyon mo sa kanila. Wala nang pag-asa ito. Lucky days mo ang ika-4, 5, 13 at 14. Ingat sa ika-1, 7 at 8.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Mag-isip ka nang mabuti para sa kapwa mo at mabuti rin ang kanilang iisipin tungkol sa iyo. Palagi mong iisipin na aanihin mo ang itatanim mo. Walang dahilan upang magselos ka sa kapalaran ng iba dahil maganda rin ang kapalaran mo. Magpasalamat ka. OK ang ika-7, 8 at 15. May tension sa ika-2, 3, 9 at 10.
Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)
Kilala mo ang ugali mo. Hindi ka madaling sumunod sa agos. May sarili kang pamantayan ng buhay. Pero kung kailangan kang magbago, dapat ay pag-aralan mo at gawin mo ang sa palagay mo ay dapat. Minsan nakakabuti rin ang pagbabago. Good days ang ika-1, 9 at 10. May tensyon sa ika-4, 5, 11 at 12.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Kung may matutumbok kang bagong impormasyon na hindi mo dapat malaman, gamitin mo ito upang umasenso ka. Hindi mo ninakaw ang impormasyong ito, hindi mo kasalanan kung malakas ang boses nang mga nag-uusap. Nahulog sa iyo ang suwerte. Lucky ka sa ika-2, 3, 11 at 12. Careful sa ika-1, 7, 8, 13 at 14.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Hindi mo kailangang magkunwari kung talagang hindi mo kayang gawin ang isang bagay. Kung tatanggapin mo ang kahinaang ito, lalo kang hahangaan ng mga kasama mo – pamilya man o trabaho. Mas matatahimik ang kalooban mo kung aaminin mo. OK ang ika-4, 5, 13 at 14. Ingat sa ika-2, 3, 9, 10 at 15.
|