|
Aries (March 21- April 19)
May problema ang iyong kalusugan. Asikasuhin mo muna ito dahil mas mahirap kung pababayaan mo. Bigyan mo ng atensyon ang iyong mga buto, spine, tuhod at gallbladder. Maayos ang romansa sa buwang ito. Kung single, baka may makilala ka sa trabaho. Best days mo ang ika-21, 22 at 30. Ingat sa ika-28.
Taurus (April 20 – May 20)
Mapapansin mo na mas secure ka ngayon sa paggawa ng desisyon. Hindi mo kailangang umasa sa iba dahil alam na alam mo na kung paano dumiskarte para sa ikabubuti mo. Huwag mong bugbugin ang sarili mo sa trabaho, mag-aral kang mag-relax. Masuwerte ang ika-23 at 24. Kuwidaw ka sa ika-16, 17 at 30.
Gemini (May 21 – June 20)
Maraming imbitasyon pero piliin mo lang ang dadaluhan mo. Pag-aralan mo kung saan mas may pakinabang sa iyo. Kung ang mga dadalo ay kasundo mo at hindi iyung parang mga linta. May drama sa buhay ng kamag-anak, makinig ka lang. Best days ang ika-16, 17, 25 at 26. Alalay lang sa ika-18 at 19.
Cancer (June 21-July 22)
Problema ang pera. Hindi naman magtatagal ito kaya lang ay marami kang bills na dapat bayaran. Panatilihin mong maganda ang credit rating mo dahil may malaki kang buwenas sa pera sa mga darating na buwan. May pagsubok din sa pag-ibig. Mapalad ka sa ika-18, 19 at 28. Careful sa ika-21 at 22.
Leo (July 23 – Aug. 22)
Ngayon ang panahon upang gawin mo ang mga plano mo dahil malamang ay magtagumpay ka. Linisin mo ang iyong pag-iisip, iwasan mo ang mga negatibong kasama. At kailangan ding habaan ang pasensya. I-postpone mo ang isang biyahe sa malayong lugar. OK ang ika-21, 22 at 30. Ingat sa ika-16, 17, 23 at 24.
Virgo (Aug. 23 - Sept. 22)
Buwenas ang mga darating na araw sa iyo. Malusog ka. Maayos ang hanapbuhay. Mahusay ang iyong mga kaibigan at walang problema sa pamilya. Iwasan mong maglabas ng malaking pera. Huwag ka munang magpapa-utang. Mag-enjoy ka. Best days ang ika-23 at 24. Mag-ingat sa ika-18, 19, 25 at 26.
Libra (Sept. 23 – Oct. 22)
Iwasan mo ang mapag-isa sa panahong ito. Mas magiging masaya ka kung papalibutan mo ang sarili ng mababait na kaibigan. May mga pagsubok sa pamilya – maaaring sa magulang o partner mo sa buhay. Panatilihin mo ang iyong tamang pag-iisip. Ayos ang ika-16, 17 25 at 26. Kuwidaw sa ika-21, 22 at 28.
Scorpio (Oct. 23 - Nov. 21)
Nahihirapan kang mag-balanse ng oras para sa hanapbuhay at pamilya. Hindi mo naman maaaring pabayaan ang trabaho dahil mas kailangan nito ang oras mo ngayon. Buwenas ang negosyo pero may sakripisyo sa pamilya mo. Best days mo ang ika-18, 19 at 28. Stressful sa iyo ang ika-16, 17, 23, 24 at 30.
Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)
Mas kailangan ka ngayon ng mahal mo sa buhay. Bigyan mo siya ng atensyon. Mahirap magsisi sa bandang huli. Respetohin mo ang mensahe ng iyong katawan. Kailangan mong iwasan ang stress. Magpahinga ka. Alam mo kung ano ang gagawin. OK ang ika-21, 22 at 30. Ingat sa ika-18, 19, 25 at 26.
Capricorn (Dec. 22 - Jan. 19)
Masyado ka yatang nag-enjoy nitong nakaraang holiday season. Nakalimutan mo ang pagbabantay sa kalusugan. Magpa-check up ka sa doktor dahil hindi nagpaparamdam ang sakit sa puso. Magpahinga ka at iwasan ang bawal na pagkain. OK naman ang pera mo. Lucky ka sa ika-23 at 24. Ingat sa ika-21, 22 at 28.
Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)
Nasa sa iyo kung magiging masaya ka o malungkot. Panahon upang pag-aralan mo ang nakaraang taon. Saan ka nagtagumpay? Saan ka nagkamali? Kailangan ay tapatin mo ang sarili na hindi mo na gagawin ang hindi nakabuti sa buhay mo. Be happy. Best days mo ang ika-16, 17, 25 at 26. Alalay sa ika-23, 24 at 30.
Pisces (Feb. 19 – March 20)
Buwenas ang iyong hanapbuhay sa panahong ito. Kahit wala kang gawin ay darating ang suwerte. OK din ang iyong kalusugan pero bantayan mo ang iyong timbang. Huwag kang masyadong kakain at huwag ka ring “hindi” kakain. Moderation ang kailangan. Masaya ang ika-18, 19 at 28. Stressful ang ika-25 at 26.
Have a comment on this article? Send us your feedback
|